Wednesday , January 16 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / GF ni Paulo, aminadong walang alam sa pag-arte
GF ni Paulo, aminadong walang alam sa pag-arte

GF ni Paulo, aminadong walang alam sa pag-arte

ABALA sa modeling at pagho-host ang dalawang taon ng karelasyon ni Paulo Avelino, si Jodie Elizabeth Tarasek kaya naman hindi pa niya masabi kung papasukin niya ang showbiz.

Sa launching ng 5 Plus, sister channel ng AksyonTV kahapon, nasabi ni Jodie na, “I feel it would be a bit unfair if I just thrown into showbiz since I don’t know anything about acting. It would be something that I will study first and dedicate more time to.”

Okey lang naman daw kay Paulo na pasukin niya ang pag-aartista. “He’s okey with it. He obviously dating me because I’m not in showbiz as well, which is a big factor. He supported whatever I choose to do with my career. However, I think he’s always known that showbiz…it’s there but it’s not something na actively I’m actively pursuing in comparison to hosting which is something I enjoy.”

Hindi naman itinago ni Jodie na may mga kumukumbinse sa kanyang pasukin ang showbiz. Pero wala siyang lakas ng loob o tiwala para mag-go see o mag-audition.

READ MORE:  Honor Thy Father ni John Lloyd, posibleng humakot ng awards

“I have had offers but I just don’t think I’m ready for it,” giit ng magandang host at idinagdag na nag-eenjoy siya sa ginagawa niyang pakikipag-interact sa tao.

Mas gugustuhin din niyang humarap at mag-public speaking na mas nakatutulong ng dagdag na tiwala sa sarili kaysa umarte.

READ MORE:  Milyon ang kita sa raket ng ‘Indie’

Naibahagi rin niyang sobra-sobra ang kaba niya nang sumama sa Star Magic Ball kay Paulo kamakailan. “It was scary…It’s not really scary, it’s just that I’m just this girl from Australia with simple life and home and going to this extravagant ball meeting different kind of celebrities that I don’t have ideas because I’m not familiar with them. But it was a great experience. We’re both awkward/shy people that’s why we’re sticking together, but it was a good experience.”

Hindi naman na siya nasorpresa nang lumabas na sa publiko ang ukol sa relasyon nila ni Paulo dahil alam niyang walang naitatago sa showbiz. “I’m not someone who handle pressures well,” sambit ng dalaga at aminadong hindi rin sanay sa mga negative reaction. “That’s something I wasn’t used to because I’m half Filipino. I moved here because I love the people, the happiness, the possitivity…encounter something like that was a shock but you got that everywhere.”

At ang payo sa kanya ni Paulo, deadmahin na lang kaya.

READ MORE:  Enrique, to the rescue kay Liza

Si Jodie ang nag-host ng paglulunsad ng 5 Plus at ayon sa president at CEO ng Aksiyon TV, madalas nang mapapanood ang model/host sa kanilang mga programa.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Derek, pinakawalan na ng TV5; 5 Plus  ng Aksiyon TV,  inilunsad

Derek, pinakawalan na ng TV5; 5 Plus ng Aksiyon TV, inilunsad

About Maricris Valdez Nicasio

One comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top