Thursday , April 25 2024

Traslacion 2019: Payapa pero ‘umapaw’ sa basura

SINABI ni Director General Oscar Albayalde, mapayapa sa pangka­lahatan ang Traslacion na taon-taong ginaganap tuwing 9 Enero para sa kapistahan ng Poong Itim na Naza­reno.

Maliban sa mga nasugatan at nasaktan, walang naitalang hindi kanais-nais na insidente ang mga pulis habang bumabaybay ang pru­sisyon mula Quirino Grandstand sa Luneta patungong Basilica Minor ni San Juan Bautista sa Quiapo, Maynila.

Tinatayang 800,000 hanggang isang milyong deboto ang lumahok sa tradisyon ng mga Katoli­kong — ang Traslacion na nagsimula sa Quirino Grandstand dakong 5:00 am.

Kabilang dito ang mga lumahok sa iba’t ibang kaganapang may kaugnayan sa Pista ng Itim na Nazareno tulad ng misa, prusisyon, at ‘pahalik.’

Dagdag ni Albayalde, 7,000 ang mga pulis at mahigit 2,000 ang mga sundalong itinalagang magbantay para sa seguridad ng Traslacion sa kabuuang ruta nito.

Walang natanggap na banta sa seguridad sa Kamaynilaan, hindi nagpabaya ang PNP at tiniyak ang kaligtasan ng pagdiriwang dahil sa ‘high threat level’ sa Mindanao.

Inaasahang mapaa­aga nang mahigit isang oras kompara noong 2018 ang pagbabalik ng imahen ng Itim na Nazareno sa Simbahan ng Quiapo kung walang aberyang makahahad­lang dito.

Naunang inihayag ng PNP na inaasahang aabu­tin ng 22 oras ang Tras­lacion.

Kaakibat ng mapaya­pang Traslacion ang pagpatay sa signal ng mga cellular network na karaniwang ginagamit ng mga terorista sa pagpa­pasabog ng bomba.

Lumobo sa 130,000 katao ang nasa paligid ng simbahan ng Quiapo sa ika-12 misa dakong 4:00 pm at inaasahang darami pa habang papalapit ang andas ng Poong Itim na Nazareno.

ni Karla Lorena G. Orozco

1,000 deboto,  nasaktan 3 itinakbo  sa ospital

1,000 deboto, nasaktan 3 itinakbo sa ospital

Basura ‘umapaw’ sa Traslacion ‘zero-waste’ campaign  wa-epek  sa deboto

Basura ‘umapaw’ sa Traslacion ‘zero-waste’ campaign wa-epek sa deboto

About hataw tabloid

Check Also

042424 Hataw Frontpage

Nagprotesta laban sa PUV modernization program
MANIBELA INASUNTO NG QCPD

ni ALMAR DANGUILAN  SINAMPAHAN ng sandamakmak na kaso ng Quezon City Police District (QCPD) ang …

fire dead

Nanay naghanap ng kahoy para panggatong
2 PASLIT NA MAG-UTOL NAABO SA SUMABOG NA TANGKE NG LPG

SILANG, CAVITE — Masusing iniimbestigahan ang pagkamatay sa sunog ng magkapatid na paslit base sa …

Ejay Falcon Alan Peter Pia Cayetano ORIENTAL MINDORO

Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong  
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO

UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang …

PCMC MRI and CT scan Pia Cayetano Bong Go

Cayetano nanguna sa pasinaya  
STATE-OF-THE-ART MRI, CT SCAN EQUIPMENT, ATBP FACILITIES SA PCMC

PINANGUNAHAN ni Senadora Pia Cayetano ang pagbubukas ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) para sa …

Navoteño solo parents cash subsidy

Navoteño solo parents tumanggap ng buwanang cash subsidy

SINIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *