Wednesday , January 16 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / P40-M trust fund ng mga anak ni Kris, dawit sa financial issues sa dating managing director ng KCAP
P40-M trust fund ng mga anak ni Kris, dawit sa financial issues sa dating managing director ng KCAP

P40-M trust fund ng mga anak ni Kris, dawit sa financial issues sa dating managing director ng KCAP

MAY bagong pasabog si Kris Aquino tungkol sa P40-M na ini-invest sa Potato Corner & Nacho Bimby na pinamamahalaan ng dating managing director ng KCAP na si Nicko Falcis.

Ang nasabing halaga ay galing mismo sa trust fund ng mga anak ni Kris na sina Joshua at Bimby kaya ganito na lang ang galit ng una noon dahil nagalaw ang para sa kinabukasan ng mga anak.

Matatandaang hindi binanggit ni Kris ang P40-M sa nakaraang live streaming presscon nitong Sabado, Enero 5, dahil nag-focus lang siya kasama ang mga abogadong sina Atty. Sigrid Fortun at Atty. Nilo Divina sa counter affidavit na isinumite ni Nicko.

Anyway, nitong Lunes ng hatinggabi ay hindi pa marahil makatulog si Kris sa balitang natanggap mula sa legal counsel niya.

READ MORE:  Bahay nina Claudine at Raymart sa Marikina, inaagad ang pagbebenta

Aniya, “The lawyer of my former manager’s MENTOR had contacted Dean Nilo Divina today and asked if the 2 of them could talk about a settlement. To him I say, “Maswerte ka, there’s a man who sees you as his own son.

I believe this was out of his own volition, and my respect for that man’s integrity grew even more. Hindi n’ya kadugo pero tinaya nya ang reputasyon nya. To that man I say, on hindsight, had you and my Ate only spoken in September, we’d have had peace.”

At tungkol naman sa P40-M na investment para sa Nacho Bimby + Potato Corner ay matagal na nitong hinihingi ang report subalit walang ibinibigay sa kanya.

Base sa post ng KCAP owner, “Allow me to clarify the financial issue, I asked for an accounting of ± 40M invested for my sons, and financial reports for our 12 Potato Corner + Nacho Bimby branches and my lawyers & I were ignored.”

Samantala, may kuwento pa si Kris, “It shouldn’t be just about me. I believe I can be forgiven for making it about my sons. Parents, especially solo ones, will understand me but maybe I’m on this journey because I can shine a light for others questioning why they’ve been losing or gaining weight, started losing clumps of hair, have numbed hands and feet, feel extreme fatigue or soreness in their joints, experience unexplainable depression, have hives all over the body especially in arms & legs, or have low grade fever often.

“There are more than 80 autoimmune diseases but when you google autoimmune disease, healthline.com  and webmd.com are informative yet easy to read.

To end, I was wrong to cast blame on my former business manager for my condition- obviously even at 21 years old when my severe allergic reaction to menstrual pain medicine had doctors asking my sister, Viel to sign the consent for an emergency tracheotomy, and the very difficult time while pregnant & giving birth to Bimb at 36- heaven already gave me a bonus because most of my symptoms had remained dormant until late 2014 when my hypertension started.”

Going back to P40-M na hinahabol ni Kris kay Nicko, marahil mag-iisip na ang ibang nagtatanong kung bakit sinampahan ng reklamo ng una ang huli sa credit card charges nitong P1.2-M.

READ MORE:  Bela, naiyak nang manood ng rushes ng isinulat niyang pelikula nina Toni at Piolo
READ MORE:  Vice, itinangging pinaringgan si Terrence Romeo

Kaya heto, may bagong dapat sagutin si Nicko, nasaan ang accounting report ng P40-M?

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top