Wednesday , January 16 2019
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Navotas nagparangal sa mga natatanging mangingisdang Navoteño 
Navotas nagparangal sa mga natatanging  mangingisdang Navoteño 

Navotas nagparangal sa mga natatanging mangingisdang Navoteño 

SA pagdiriwang ng Araw ng Mangingisda at ng 113th Founding Anniversary ng Navotas, binigyan ng pagkilala ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang 10 Navoteño bilang mga nata­tanging mangingisda.

Pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco, kasama sina Vice Mayor Clint Geronimo at iba pang opisyal ng lungsod, ang awarding ceremony nitong Martes ng umaga sa Navotas Centennial Park.

Kasama sa top 10 sina Manuelito Villanueva mula sa Brgy. Tanza 2; Alexander Gonzales, Brgy. Navotas West; Jodolfo Paz, Brgy. Tangos South; Isagani Miller, Brgy. San Roque; at Jose Billy Garcia, Brgy. Tangos North.

READ MORE:  Halimaw namataan sa New Jersey?

Nabigyan din ng parangal sina Menandro Tongco mula sa Brgy. Navotas West; Regulo Bacongan, Nomer Aligaya, at James Ong mula sa Brgy. Tanza 2; at Roque Lerma, Brgy. San Jose.

Bilang pinaka-ulirang mangingisda, naka­tanggap si Villanueva at ang kanyang pamilya ng P8,000, plake at overnight accom­modation sa Diamond Hotel. Ang ibang nanalo ay nakatanggap din ng cash prizes at plake.

READ MORE:  Amazing: 800-pound man pinatalsik sa ospital sa pag-order ng pizza

Dagdag rito, maaaring maging benepisaryo ang kanilang mga anak o piling kamag-anak sa NavotaAs Ulirang Pamilyang Mangingisda Scholarship Program.

Ang mga iskolar nito ay makatatanggap ng P16,500 transportation at food allowance, at P1,500 book stipend bawat academic year.

“Malaki ang respeto natin sa mga mangingisdang Navoteño. Dapat lamang tularan ang kanilang pagsisikap at pagsasakripisyo para masuportahan ang kanilang pamilya. Karapat-dapat na sila ay bigyan ng parangal at pagkilala,” ani Tiangco.

READ MORE:  Amazing: 2 sweet dogs yaya ng sisiw, bibe, kambing at usa

Samantala, sinabi ng alkalde na seasonal ang pangingisda kaya hindi palagian ang kita rito.

Hinikayat niya ang awardees at ang kanilang pamilya na mag-aral ng technical-vocational courses na inihahandog nang libre ng Navotas Vocational Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute.

“Sa panahon ngayon, mahalaga na marami tayong alam na kasanayan o skills. Nowadays, it is important to be multi-skilled. Samantalahin ninyo ang pagkakataong makapag-aral sa NAVOTAAS Institute. Nagpapatayo tayo ng dalawa pang training centers para mas maraming mga kurso pa ang maihahandog namin sa inyo,” saad niya. (JUN DAVID)

About Jun David

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top