Tuesday , April 23 2024

Año, Albayalde pananagutin sa paniniktik sa mga guro

SASAMPAHAN ng kaso ng Alliance of Concerned Teachers sina Depart­ment of Interior and Local Govern­ment (DILG) Secretary Eduardo Ano at Philippine National Police (PNP) Director General Oscar Albayalde dahil sa ginawang paniniktitik ng mga pulis laban sa mga miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT).

Ayon kay ACT party-list Rep. Antonio Tinio naka­kuha sila ng doku­mento na magpa­patunay na ginagawa ito ng mga pulis sa nga eskuwelahan sa  Bulacan, Las Piñas, May­nila, Malabon, Rizal, Mindoro, Sorsogon, Agusan del Sur at Zam­bales.

Ayon kay Tinio nila­bag ng PNP ang right to privacy ng mga guro na kasapi sa ACT. 

Aniya, nakahanda na ang kaso laban sa mga pulis na isasampa sa Office of the Ombuds­man.

Naniniwala si Tinio na may kinalaman si Pangu­long Rodrigo Duterte sa pagkilos ng mga pulis laban sa mga guro at posibleng kasuhan pag­ka­taoos ng kanyang immunity bilang pre­sidente.

“Baka later (na kasu­han si Duterte). After 2022 or baka sa ICC (International Criminal Court) na lang,” ani Tinio.

Nalalagay sa panga­nib ang mga guro ayon kay Tinio.

“Ang pangamba na­tin, ang pamamaraan ng tokhang, ang madu­gong giyera kontra droga ng Duterte administration ay dinadala na at inilalapat sa mga itinuturing ng Duterte administration na kritiko at kaaway,” ani Tinio.

“Nagsisimula na nga rito sa pagbubuo ng mga listahan. Tapos ano ang susunod diyan? Maaaring pagkatapos niyan ‘yung mga nasa listahan ipapa­tawag ng pulis tapos oobligahin na maglinis ng kanilang pangalan o kaya oobligahin na mag-sur­render at kung hindi mag-surrender puwedeng sampahan ng mga gawa-gawang kaso, taniman ng ebidensiya at puwede pa ngang patayin tapos sasa­bihin na nanlaban,” paliwanag ni Tinio.

ni Gerry Baldo

About Gerry Baldo

Check Also

drugs pot session arrest

4 arestado sa pot-session sa Valenzuela

SWAK sa kulungan ang apat katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot …

arrest prison

Sigang tambay, kulong

‘IBINALIBAG’ sa selda ang 22-anyos tambay makaraang pumalag at ‘magpamalas ng kabangisan’ nang ireklamo ng …

Win Gatchalian

Mas maigting na pakikilahok ng LGUs sa edukasyon isinusulong ni Gatchalian

MULING isinulong ni Senador Win Gatchalian na paigtingin ang pakikilahok ng local government units (LGUs) …

Namatay sa baha sa Dubai
LUBOS NA TULONG MARAPAT IGAWAD SA TATLONG OFWs

KASUNOD ng pagpapaabot ng taos-pusong  pakikiramay sa pagkamatay ng tatlong overseas Filipino workers (OFWs) sa …

Paco Catholic School Fire Sunog

Pagkatapos ng P15-M sunog sa palengke
PACO CATHOLIC SCHOOL NO FACE-TO-FACE CLASSES

INIANUNSIYO ng Paco Catholic School (PCS) ang suspensiyon ng face-to-face classes simula bukas, Martes, 23 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *