Saturday , April 20 2024
riding in tandem dead

Barangay secretary tinodas ng tandem

ISANG barangay secre­tary ang sunod-sundo na pinaputukan ng baril hanggang malagutan ng hininga ng isa sa lalaking magkaangkas sa isang motorsiklo sa tabi ng barangay hall sa Pasay City, kamakalawa ng hapon.

Nalagutan ng hininga sa Pasay City General Hospital dakong 6:02 ng gabi ang biktimang si Jackielyn Antonio y San­tos, kalihim ng Barangay 124, Zone 14, sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Patuloy pang inaalam ng Pasay city police ang pagkakakilanlan ng dala­wang suspek na sakay ng itim na Honda Wave, walang plaka.

Base sa ulat ni Pasay city police chief S/Supt. Noel Flores, naganap ang pamamaril sa biktima sa tabi ng barangay hall ng Bgy. 124, na matatag­puan sa 16 De Agosto St., Zone 12  dakong 5:10 ng hapon.

Nakatayo si Antonio sa tabi ng barangay hall nang sumulpot ang motorsiko sakay ang dalawang suspek. Agad bumaba ang armadong back-ride sa pinutukan nang sunod-sunod ang biktima.

Agad tumakbo ang gunman pabalik sa naghihintay na motorsiklo patungo sa direksiyon ng Aurora St.

Dinala ang biktima sa naturang pagamutan pero idineklarang dead-on-arrival ni Dr. Darius Cruz.

Ma­susing imbesti­gasyon ang isinagawa ng mga awtoridad upang matukoy ang motibo sa pamamaril at maaresto ang mga suspek.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *