Wednesday , January 16 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Working permit sa dayuhan ipinatitigil ng DOLE
Working permit sa dayuhan ipinatitigil ng DOLE

Working permit sa dayuhan ipinatitigil ng DOLE

GUSTO nang ipatigil ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pag-iisyu ng Bureau of Immigra­tion ng “permit to work” sa mga dayuhang gustong magtrabaho sa Filipinas.

Sa harap ito nang nadis­kobreng paglobo ng bilang ng mga dayuhang nagta­trabaho sa bansa.

READ MORE:  Taas-singil ng Meralco idinepensa ng Palasyo

Sa press briefing sa Palasyo, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III, na  umaabot na ngayon sa 115,000 ang mga dayuhang may taglay na alien employ­ment permits.

Ayon kay Bello, malaking porsiyento o mahigit 50,000 ay pawang mga Chinese national.

READ MORE:  Mag-asawang drug financier, money launderer niratrat sa EDSA

Ang pagtatalaga aniya sa BI para mag-isyu ng alien employment permits ay ipinagkaloob dati ng mga naunang kalihim ng DOLE.

Sa ngayon ay hinihingi ni Bello ang resulta ng validation kung nakasusunod ba ang mga dayuhang manggagawa sa itinatakda ng labor laws ng bansa.

READ MORE:  Misis ni Fortun binoga ng tandem (Abogado target?)

Kabilang aniya sa mga trabaho sa Filipinas na puwedeng maging basehan ng pag-iisyu ng AEP ay mga trabahong hindi kayang gawin ng mga ordinaryong manggagawang Filipino tulad ng pagiging interpreter, acupuncture at iba pang high skilled jobs.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top