Wednesday , January 16 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kathryn, may magandang New Year’s resolution
Kathryn, may magandang New Year’s resolution

Kathryn, may magandang New Year’s resolution

NAGSIMULA na ba kayong mag-sip ng tungkol sa gusto n’yong maging New Year’s resolution?

Baka gusto n’yong tularan ‘yung “three words to forever” ni Kathryn Bernardo na walang kinalaman sa pelikula niya with Sharon Cuneta at Richard Gomez na ang titulo ay Three Words to Forever.

Ang kay Kathryn ay, “I am sorry.”

“We think that whenever we say sorry, it’s a sign of weakness. For me it’s a sign of strength,” pahayag n’ya kay Boy Abunda sa isang interbyu kamakailan sa Tonight With Boy Abunda sa Kapamilya Network.

READ MORE:  Sinira ng mga taon ang mala-engkantadang ganda!

Nilinaw ni Kathryn na ang paghingi ng paumanhin ay ‘di dapat na pagpapa-cute lang. Aniya, “It is not right to apologize for the sake of just saying sorry. You should say sorry and then promise you won’t do it again… that you won’t fight about the same thing again.”

Ipinagtapat n’ya na natutuhan n’ya ang pag-a-apologize sa konteks sa relasyon nila ni Daniel Padilla. Dati ay lumalaki ang maliliit na away nila dahil hindi siya humihingi ng paumanhin sa kung anumang nasabi n’ya sa boyfriend n’ya.

READ MORE:  Piolo, bukas ang pintuang makatrabaho si Sharon

Nakapag-sorry na nga si Kathryn kay Daniel kaya’t ibang tao na ang gusto n’ya hingan ng paumanhin at ‘yon ay walang iba kundi ang kanyang ina.

READ MORE:  Kim at Gerald, nag-iwasan sa shooting ng kanilang endorsement

“I am not perfect. More often than not, I am the cause of my mom’s headaches,” pagtatapat n’ya.

Mas masaya, mas maayos, mas payapa ang buhay kapag nagpapata­waran, nagpapa­sensyahan, at nang­hihingi at nagpa­paunlak ng paumanhin ang mga tao na magkakahalobilo sa trabaho o sa isang napakapribadong relasyon.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top