Thursday , April 25 2024

16-anyos estudyante patay sa Meningo (Sa Bulacan)

CITY OF SAN JOSE DEL MONTE, Bulacan – Ipina-cremate na noong Sabado, 8 Disyembre, ang labi ng isang teenager na namatay sa hinihi­nalang sakit na meningo­coccemia disease ma­karaan bawian ng buhay noong Huwe­bes, 6 Disyembre.

Ang nasabing sakit ay ikinokonsiderang medical emergency.

Sa ulat ni Betzaida Banaag, city health of­ficer, kinompirmang may namatay sa meningococ­cemia sa lungsod na isang 16-anyos estudyante ng Minuyan Elementary School, at pinagkalooban na ang prophylactic treat­ment ang 40 estudyante at 12 guro.

Kinompirma rin ni Dr. Jocelyn Gomez, provincial public health officer ng Bulacan, na ang city health officials ay nagsa­sagawa ng “contact tracing” sa lugar na ma­da­las puntahan ng mga biktima.

“The provincial public health office has also been coordinating with the San Lazaro Hospital about the progress on the disease monitoring,” dag­dag ni Gomez.

Ang meningococ­cemia ay “rare infection” na dulot ng Neisseria meningitidis bacteria. Ito ay kapareho ng bakterya na nagdudulot ng me­ningi­tis.

Kapag ang bakterya ay na-infect ang mem­branes na bumabalot sa utak at spinal cord, ito ay tinatawag na meningitis. Kapag nanatili ang im­pek­siyon sa dugo ngunit hindi ini-infect ang utak o spinal cord, ito ay tinata­wag na meningo­cocce­mia.

(MICKA BAUTISTA)

 

About Micka Bautista

Check Also

AFP modernization suportado ni Padilla

“MAGIGING maingay kami sa pagsusulong ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP), lalo …

Navotas MOU Makabata Helpline

Navotas lumagda sa MOU para sa Makabata Helpline

NAKIPAGKASUNDO ang pamahalaang lungsod ng Navotas akasama ang Council for the Welfare of Children (CWC) …

Bong Go Rex Gatchalian

DSDW chief sinabon ng senador

TILA NAKATIKIM ng ‘sabong walang banlawan’ si Department of Social Worker and Development (DSWD) Secretary …

UP PGH

Upgrade ng PGH inilatag sa SB 2634

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pag-upgrade ng mga serbisyo at pasilidad ng Philippine …

Laguna Police Best Police Provincial Office Award CALABARZON

Sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan
LAGUNA POLICE PROVINCIAL OFFICE BEST PPO SA CALABARZON

Camp B/Gen. Paciano Rizal, Santa Cruz, Laguna – Muling nakamit ng Laguna Police Provincial Office …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *