ISANG espesyal na okasyon ang magaganap sa December 16 na tinaguriang The Biggest Charity Music Festival of 2018. Ang naturang event ay handog ng Frontrow Cares ng Frontrow founders na sina RS Francisco at Sam Versoza. Sa nakaraang mga taon, ang Frontrow ay aktibong tumutulong sa charities and organizations na nangangailangan ng suporta, pero nitong 2018 sila humataw nang husto sa pagtatayo ng Frontrow Cares.
Nagsimula ito nang ang Frontrow’s co-founder and award-winning actor na si RS Francisco ay ginawa ang one of the most critically acclaimed productions, ang M Butterfly at ibinigay niya ang 100% proceeds sa iba’t ibang charitable institutions. “It’s the most fulfilling thing ever,” saad ni RS.
Actually, kahit na hindi pa ganito kalaki ang Frontrow noon ay mapagkawanggawa na talaga ang naturang kompanya. Sa pagbabalik-tanaw ni RS Francisco sa ginagawang pagtulong ng kanilang kompanya sa mga nangangailangan, nalaman namin na minsan, imbes gamitin sa renovation ng kanilang office at sa bonggang Christmas party ay nagpasya silang itulong na lang sa charity ang pera.
“This is just the beginning. Blessings are best experienced when shared and here in Frontrow, we want to encourage a culture of generosity. Basta thankful lang tayo,” sambit naman ni Sam.
Hindi dapat palagpasin ang The Biggest Charity Music Festival of 2018 na pangungunahan nina Ely Buendia, Parokya ni Edgar, Billy Crawford, Gloc 9, Callalily, Andrew E, Spongecola, at ni Jake Zyrus ang The Biggest Charity Music Festival of 2018 sa Dec. 16, Sunday at the MOA Concert Grounds. Makakasama rin dito ang Ex-battallion and Chicser, DJ Ace Ramos, and Frontrow’s homegrown talents Luxxe Stars.
For tickets, visit the SM Tickets website or call 470-22-22. All proceeds will go to the chosen charity. For further information about the concert and Frontrow, visit the official Frontrow website and follow Frontrow Philippines on Facebook.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio