Tuesday , January 22 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Coco, hindi puwede ligawan si Maine
Coco, hindi puwede ligawan si Maine

Coco, hindi puwede ligawan si Maine

MAY rason naman pala kaya hindi puwedeng ligawan ni Coco Martin ang kanyang leading lady sa 2018 Metro Manila Film Festival entry na Jack Em Popoy: The Puliscrediblesna si Maine Mendoza dahil malayong magkamag-anak sila.

Tsika nga ni Maine sa presscon ng nasabing pelikula, “Una po sa lahat, para po sa impormasyon ninyong lahat, magkamag-anak po kami ni Coco. Opo, distant relatives po kami. Nalaman na po namin, may family reunion po kami sa Bulacan.

“Sa pagkalaki-laki ng family tree, nandito ako (pagmuwestra niya) at nandito si Cocoz

“Opo, nauna po ‘yung reunion kaysa start ng movie kaya, una pa lang, ‘yun na ang naging topic namin. ‘Uy, magkamag-anak pala tayo.’ Even ‘yung family ko, natanong ako.”

Na pinatunayan naman ni Coco  ”Ako nga po, nagulat din ako. Noong sinabi sa akin ni Maine ‘yun, tinanong ko ‘yung lola ko, ‘La, may kamag-anak po ba tayo rito sa Bulacan?’

“So ‘yun, nagkatugma-tugma. Kaya noong nag-meet kami niyong family ni Maine, nahiya naman po ako kasi nga…

Nahiya po akong mag-approach, pero gusto ko po silang makilala.Actually, malayong-malayo na. Kumbaga sa family tree, sobrang malayo na.

“Pero siyempre ‘pag sa reunion, nagkikita-kita mga magkakamag-anak.”

Makakasama nina Coco at Maine sa Jack Em Popoy The Puliscredibles  si Bossing Vic Sotto at sina  Tirso Cruz III , Paolo Ballesteros, Ryza Cenon, Ryza Mae Dizon, Baeby Baste atbp..

MATABIL
ni John Fontanilla

COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top