Saturday , January 19 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Coco, ‘di apektado kahit ‘di kasamang ipino-promote sa GMA
Coco, ‘di apektado kahit ‘di kasamang ipino-promote sa GMA

Coco, ‘di apektado kahit ‘di kasamang ipino-promote sa GMA

HINDI pikon si Coco Martin eh. Hindi siya apektado sabihin mang binawalan ng GMA 7 na banggitin ang kanyang pangalan sa pagpo-promote ng kanilang pelikulang Jack Em Popoy sa mga show ng network. Maski na sa kanilang news coverage at doon sa on line, wala ang pangalan ni Coco at hindi rin siya nakita sa alinmang video footage.

Pero hindi napikon si Coco. Ang sinasabi niya ok lang iyon, at hindi siya mapipikon o magagalit dahil may utang na loob din siya sa GMA dahil minsan nandoon din siya sa network na iyon.

May kaibahan, dahil sinasabi nga ng iba, bakit si Dingdong Dantes inilalabas ng ABS-CBN at hindi hinarang sa promo niyong Fantastica. Pero malaki ang pagkakaiba kasi eh. Giniba ng Ang Probinsyano ni Coco ang primetime ng GMA 7. Hindi naman nagawa iyon ni Dingdong sa ano mang programa ng ABS-CBN. Ngayon nga talunan pa rin ni Coco ang magkatapat nilang serye.

Isa pa, mukhang lamang pa rin naman si Coco. Kasi iyong kanyang pelikula ay naipo-promote sa ABS-CBN, at hindi man banggitin ang pangalan niya sa mga network produced shows ng GMA, nababanggit pa rin ang pelikula. Nakakalabas naman ang trailer nila sa Eat Bulaga, na isa sa pinaka-malakas na show sa GMA.

Iyong Fantastica, nakalalabas lang sa ABS-CBN. Hindi ilalabas iyon ng GMA, kaya lamang pa rin sina Coco dahil nakapapasok siya sa magkabilang networks.

Ginagawa lang din iyan kung malakas ang artista. Natatandaan pa ba ninyo noong ipa-ban din ng ABS-CBN si Derek Ramsay nang lumipat sa TV5? Inalis si Derek sa trailer ng pelikula, inalis ang picture at pangalan niya sa poster, at hindi rin mabanggit ang pangalan niya. Hindi siya isinali sa presscon niyong The Janitor noong araw. Ginagawa lang iyan kung ang artista malakas. Kung hindi, hindi iyan papansinin. Kaya iyang nangyaring iyan kay Coco, aba eh parang sinabing talagang napakalakas niyang actor.

HATAWAN!
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top