Tuesday , January 22 2019
Breaking News
You are here: Home / Sports / Rubik’s Cube wizard Kinsey masisilayan sa Cavite Open

Rubik’s Cube wizard Kinsey masisilayan sa Cavite Open

MASISILAYAN ang husay ng  self-taught PH Rubik’s Cube wizard na si Clarence Kinsey Galuno-Orozco  sa pag-arangkada ng Cavite Open 2018 sa 22 Disyembre na gaganapin sa Pagkalingawan’s Pavillion, F. Roman Street, Pagkalingawan’s Pavillion, Pinagtipunan sa General Trias City, Cavite na inorganisa nina Mr. Richard Espinosa at WCA (World Cube Association) delegate Mr. Bille Janssen Lagarde.

“Speed cubing, as the practice is called, draws people of all ages and backgrounds to pit their best times against one another,” sabi ni Karla Lorena Orozco, proud mother ni Clarence Kinsey.

Ang  11-years old na si Clarence Kinsey,  Grade six pupil ng P. Gomez Elementary School sa Sta. Cruz, Maynila ay natutong mag-solve ng Rubik’s Cube matapos mamemorya ang formula sa instruction manual na napanood niya sa Youtube.

Si Clarence Kinsey na tubong San Jose Delmonte, Bulacan ay may tangan na 5×5 Blinfolded  unofficial national record  12 minutes, 34 seconds 05 milliseconds. Ang national record sa 5×5 Blinfolded  ay 12 minutes and 55 seconds.

“It’s a nice feeling beating your best times, and it’s a good way to meet new friends,” sambit ni Clarence Kinsey na tumapos ng kanyang personal record  9.84 seconds.

Ang kanyang mga iniidolo ay  sina PH top Rubik’s Cube speedsolver Leo Borromeo at Aussie Feliks A. Zem­degs.

Isang consistent honor student, si Clarence Kinsey ay nahihilig din sa paglalaro ng  arnis, chess at speed stacks.

Ang traditional Rubik’s Cube ay 3-by-3, pero  ang mga speed cubers ay nasisilayan sa several different variants gaya ng 4-by-4, 5-by-5, 6-by-6, 7-by-7 at Pyraminx. Isang variant forces cubers na nagso-solve ng 3-by-3 cubes, gamit ang isang kamay lamang.

(Marlon Bernardino)

COMMENTS

About Marlon Bernardino

Scroll To Top