Monday , December 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Rainbow’s Sunset, inialay nina Herbert at Harlene sa mga magulang
Rainbow’s Sunset, inialay nina Herbert at Harlene sa mga magulang

Rainbow’s Sunset, inialay nina Herbert at Harlene sa mga magulang

MARAMI na ang nakapanood ng Rainbow’s Sunset, Metro Manila Film Festival 2018 offering ng Heaven’s Best na pinagbibidahan nina Eddie Garcia at Gloria Romero at iisa ang sinasabi ng mga ito. Napakaganda ng pelikula.

Kaya naman pala ganoon ay dahil para sa ama’t ina (Butch at Baby Bautista) nina Harlene Bautista, producer, ang Rainbow’s Sunset.

Ang Rainbow’s Sunset ay pinamahalaan ni Joel Lamangan.

READ MORE:  Rainbow’s Sunset, malakas ang laban bilang Best Picture

Ani Harlene sa isang mensaheng ipinadala, “Heaven’s Best Entertainment will forever take pride in producing this amazing masterpiece. Thanks Direk Joel, Tito Eddie (Garcia), Tita Gloria (Romero) and the rest of the cast and the entire production team. Most of all to Sir Tony (Mabesa), my mentor and some of the rest of Dulaang UP, we love you and thank you for molding us in becoming artists that we are today.

“We lovingly dedicate this beautiful movie to our parents Butch and Baby Bautista.”

READ MORE:  Kidzania episode sa Goin’ Bulilit

Nagpasalamat din si Harlene kina Tirso Cruz III, Aiko Melendez, at Sunshine Dizon. “Maraming salamat po sa buong cast. My love also to Eric Ramos sa napakagandang obra.

“From Herbert, Hero and Harlene Bautista, maraming salamat po Mabuhay ang Pelikulang Pilipino!” ani Harlene.

READ MORE:  Angeline, nakipagsabayan kina Manoy Eddie at Manang Susan

Kasama rin sa pelikula ang anak nina Harlene at Romnick Sarmenta, si Zeke na gumaganap bilang isa sa apo nina Eddie at Gloria.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Kim, napatili nang makipaglampungan kina Dennis at JC
Kim, napatili nang makipaglampungan kina Dennis at JC
Atty. Persida Acosta, hiningan ng tulong ni Keanna Reeves
Atty. Persida Acosta, hiningan ng tulong ni Keanna Reeves
COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved