Monday , December 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Cayetano, Belmonte, Fresnedi sure win na (Kung halalan ngayon)
Cayetano, Belmonte, Fresnedi sure win na (Kung halalan ngayon)

Cayetano, Belmonte, Fresnedi sure win na (Kung halalan ngayon)

ILANG buwan bago ang eleksiyon sa Mayo 2019, ilang survey na ang inilabas para alamin ang pulso ng sambayanan kung sino ang mga posibleng makakuha ng landslide victory, ganoon din ang mga dikit na laban sa halalan ng mga lokal na kandidato sa Metro Manila.

Sa mahigit 1,800 rehistradong botanteng kinapanayam mula sa 16 lungsod at isang munisipalidad sa Metro Manila, sinabi ng PUBLiCUS Asia Inc., kung gaganapin ang halalan ngayon, marami sa mga kandidato ang magwawagi nang malaking puntos samantala ang ilan ay maglalaban nang dikitan sa kapwa nila kandidato.

Ilan sa mga napulsuhang makakamit ang runaway victory ay sina Robert Eusebio na nangibabaw sa Pasig sa kanyang 76 percent na lamang kompara sa 8 percent ng kalabang si Vico Sotto.

Sa Navotas, si Toby Tiangco ang nanguna na may 54 percent kompara sa 18 percent ni Dan Ang.

Ang incumbent Marikina chief executive na si Mayor Marcelino Teodoro ay walang makakalaban ngunit mayroon siyang 86 percent na pagsang-ayon ng mga botante; samantala ang dating vice mayor na si Marion Andres ay nakakuha ng 67 percent sa vice mayoralty race.

READ MORE:  MRT iresponsable at hindi ramdam ang pangangailangan ng commuters

Sina Jaime Fresnedi at Celso Dioko ay wagi naman sa pagka-alkalde at bise alkalde ng Muntinlupa na may 61 percent at 35 percent ang bawat isa, ayon sa survey.

Nanguna si Vice Mayor Joy Belmonte sa karera sa pagka-mayor sa Quezon City na nakakuha ng 59 percent ng boto, sinundan ito ng kalaban niyang si Bingbong Crisologo na may 17 percent.

Sa Taguig City, si dating congressman Lino Cayetano, na brother-in-law ng kasalukuyang mayor na si Lani Cayetano, at ang running mate na si Ricardo “Ading” Cruz, Jr., ang nanguna sa lungsod ng Taguig.

Si Lino Cayetano, ng Nacionalista Party, ay nakakuha ng 76 percent kompara sa pambato ng PDP-Laban na si Arnel Cerafica na nakakuha ng 15 percent.

Ang kanyang running mate na si Ricardo Cruz Jr., ay mayroong 65 percent ng boto kompara sa manok ng PDP-Laban na si Henry Dueñas na may 18 percent.

Ikinokompara sa langit at lupa ang pagitan ng laban sa Taguig pero hindi na nakapagtataka dahil panalo sa mga tao ang programa sa edukasyon ng mga Cayetano.

Hindi ninyo bibiruin ang mahigit P600 milyong pondo para sa scholarship. Noong bago sila mamuno sa Taguig, P50 milyon lamang ang inilalaan sa scholarship dahil lahat ay sa basura inilalaan.

READ MORE:  107 katao nalason sa feeding program

Pero bakit mabaho pa rin?!

Malakas rin ang programa ng lungsod sa kalusugan. Tatlo ang kanilang super health centers na bukas 24/7.

Kaya naman mahal na mahal ang mga Caye­tano sa Taguig.

Umaariba naman sa Caloocan si Oscar Malapitan sa mayoralty race na may 90 percent. Si Rex Gatchalian naman ay may 96 percent sa Valenzuela, ayon pa survey result.

Napakalaki ng mga agwat ng mga nasabing kandidato sa kanilang mga kalaban. Para ngang sure win na sila sa halalan.

Aprobado ng mga tao ang may malinis na track record sa politika at totoong nakatutulong para maiangat ang buhay ng mga tao.

Hindi naman umubra ang seniority sa halalan sa pagka-mayor sa Maynila nang si Isko Moreno ang lumabas na panalo sa mayoralty race. Naka­kuha si Isko ng 47 percent kompara sa 21 percent ni Mayor Joseph Estrada, at 29 percent ni Alfredo Lim.

Sa pagka-bise alkalde ay napunta ang lamang kay incumbent Vice Mayor Honey Lacuna ngunit dikit lamang na nakasunod ang kalaban nitong si Amado Bagatsing.

READ MORE:  Quezon City, all out ang suporta sa Pista ng Pelikulang Pilipino

Sa San Juan, lumabas sa survey na ang mayoralty race ay dikit at hindi nagkakalayo ang resulta sa laban ng pagka-alkalde na si Janella Estrada ang umungos sa kanyang 44 percent laban sa 43 percent ni Francis Zamora.

Nanguna naman sa Makati si Abigail Binay sa kanyang 67 percent laban sa kapatid na si Jun-jun (20 percent), at Ricky Yabut (2 percent) sa karera ng pagka-alkalde.

Pinaniniwalaang pinakamalapit ang independent survey na ito na isinagawa mula November 16-20, 2018, sa ilalim ng PUBLiCUS Asia, isang full-service political campaigns management at lobbying firm.

Ang survey ay base sa katanungang, “If elections were to be held today, who among the candidates will you vote for?”

Para sa kompletong listahan ng resulta sa #PahayagNCR survey, bisitahin lamang ang www.publicusasia.com o i-click ang link na ito.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Ang binuraot na x’mas party ng MIAA

Ang binuraot na x’mas party ng MIAA

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved