Monday , December 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / ‘Tsongki’ ni Digong panggising nga ba?
‘Tsongki’ ni Digong panggising nga ba?

‘Tsongki’ ni Digong panggising nga ba?

MAHILIG talagang magpasakay si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga patawa o joke.

Pero ang higit na natatawa, ang isang kahuntahan natin na kabisado ang marijuana noong kanyang kabataan.

Halata raw na walang alam sa ‘joints’ si Digong kasi hindi naman raw pampagising ang omads.

“Pampa-relax ang omads,” sabi niya. “Kaya hindi siya gigisingin nito… patutulugin siya o kaya mag-food trip siya.”

Kaya naniniwala raw siya na ‘joke’ lang talaga ang sinabi ng Pangulo dahil halatang walang experience ang nagsalita tungkol sa tsongki.

Payo pa ng kahuntahan natin, “Repapips huwag sakay nang sakay at lundag nang lundag para hindi kayo natutsubibo.”

READ MORE:  PAO chief, mas wastong umayuda sa mga akusado

Pero ‘di ba maraming nagsusulong ng kampanya hinggil sa medical cannabis?

Hindi kaya, pabor si Pangulong Digong na maaprobahan ang  batas na ‘yan nang sa gayon ay makatulong sa maraming cancer patients ngayon o kaya ‘yung may mga medical condition sa neuro?!

Bakit hindi natin dalhin doon ang usapin? Kung makatutulong ba nang malaki ang medical cannabis sa mga kababayan nating maysakit?!

At kung pag-uusapan ang ‘tsismis’ na may dinaramdam nga ang Pangulo, hindi kaya tumotsongki nga siya para gapiin ang kanyang karamdaman?!

Paiskor nga riyan, Mr. President?!

Joke lang po!

BARADONG TRAFFIC
SA P. BURGOS DRIVE
HANGGANG
JONES BRIDGE,
SINO ANG KUMIKITA
SA RAKET?

MARAMING reklamo ang nakararating sa inyong lingkod sa baradong trapiko mula sa P. Burgos hanggang Jones Bridge patungong Binondo at Divisoria.

READ MORE:  Comelec bulag ba sa malalaking pol ads sa provincial buses?

Dati namang maluwag ang trapiko noong buksan ang intersection sa Magallanes Drive at P. Burgos, pero nakapagtataka kung bakit isinara?!

Ang siste, kapag isinara ang nasabing intersection, wala nang ibang lulusutan ang mga sasakyan mula sa Quiapo kundi ang tumulay sa Jones para kumaliwa sa Dasma­riñas, saka aahon sa Jones ulit tapos saka kakanan sa Magallanes patungong Pier.

Hindi natin alam kung sinong ‘henyo’ ang umareglo gang ganitong ruta. Kaya hindi nakapagtataka na halos hindi umuusad ang mga sasakyans a P. Burgos northbound pero pagkaluwag-luwag sa P. Burgos southbound.

READ MORE:  Sen. Leila De Lima ididiin ni Kerwin Espinosa ngayon!? (Dayan naaresto na…)

Kung totoong barado ang trapiko bakit maluwag sa kabilang bahagi ng sasakyan?

Bakit kailangan isara kung mayroon na­mang nagmamandong traffic enforcers?!

Mayroon bang ‘hiwaga ang Guadalupe’ sa hindi maipaliwanag na pagbabara ng trapiko sa area na ‘yan sa Intramuros at Ermita?!

Paging MPD, MMDA and MTPB!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved