Monday , December 17 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 2 parak, tanod, 1 pa nagbarilan sa quarry site (Sa Tarlac)

2 parak, tanod, 1 pa nagbarilan sa quarry site (Sa Tarlac)

CAMP OLIVAS, Pampanga – Agad namatay ang dalawang pulis, isang barangay tanod at isa pang lalaki sa insidente ng barilan sa quarry site sa Brgy. Sta. Lucia, Capas, Tarlac, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat sa tanggapan ni C/Supt. Joel Napoleon Coronel, Acting Police Regional Office 3 director, kinilala ang mga bikti­mang sina SPO2 Jason Garcia, 45; PO3 Vincent Baluyot Lugtu, 40; kapatid niyang si Clint Donald Baluyot Lugtu, 33, at si Renato Mercado.

READ MORE:  C3E kay Sixto: Hoy sinungaling mag-sorry ka! (Comelec dapat sundin panawagan ni Pope kontra korupsiyon)

Nabatid kay Coronel, papunta si SPO2 Garcia sa quarry site sa Sitio Suarez sakay ng dump truck nang parahin ni Donald, barangay tanod na nakatalaga roon.

Sa puntong iyon, bumaba umano si Garcia mula sa truck at kinom­pronta ang tanod habang naroroon ang kapatid ng huli na si Lugtu, naka­talaga sa Regional Intel­ligence Division ng Police Regional Office 3.

READ MORE:  Pagsugpo sa ISIS ‘di madali — Digong

Habang nagtatalo ay binaril umano ni Lugtu si Garcia na miyembro ng Mabalacat Police. Nang magpaputok si Garcia ay tinamaan ang istambay na si Mercado.

Samantala, ayon sa ilang saksi, nang makita umano ng isang Bernie Pabalan Hernandez na nakabulagta ang kanyang kaibigang si Gracia ay bumunot ng calibre .45 baril saka pinagbabaril ang magkapatid na Lug­tu saka mabilis na tuma­kas.

READ MORE:  Palasyo sa OFWs sa Iraq, Libya: ‘Wag magmatigas

Ngunit agad nasakote si Hernandez sa isina­gawang follow-up opera­tion ng mga pulis sa bahay ng isang engineer na si Marvin Mariano sa Brgy. Balutu, Conception Tarlac.

ni LEONY AREVALO

COMMENTS

About Leony Arevalo

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved