Monday , December 17 2018
Breaking News
You are here: Home / News / OFW naipit ng 2 bus todas (Sa Makati City)

OFW naipit ng 2 bus todas (Sa Makati City)

PATAY ang isang overseas Filipino worker (OFW) makaraan magitgit at maipit ng dalawang pampasaherong bus sa loading and unloading area sa Makati City, nitong Sabado ng gabi.

Nalagutan ng hininga sa Ospital ng Makati ang biktimang si Luis Ora­cion, nasa hustong gu­lang, isang OFW, resi­dente sa Sitio Militar Project 8, Quezon City, sanhi ng matinding pinsala sa katawan.

READ MORE:  Blackmail ‘di estilo ng Aquino admin — Palasyo (Para sa BBL)

Nasa kustodiya ng Makati City Police ang driver ng Public Utility Bus (PUB) na may plakang TYS 274, na si Marlon Solos Brioso, 46, nakatira sa Sangandaan, Caloocan City, at ang driver ng PUB na may plakang TYM 158, na si Dominador Tobias Garcia, 68, residente sa Ampid 1, San Mateo, Rizal.

READ MORE:  Balangiga Bells uuwi na — Palasyo (Closure sa malagim na kabanata ng PH-US history)

Sa inisyal na ulat ng Southern Police District (SPD), dakong 5:00 pm nang mangyari ang insi­dente sa EDSA north­bound lane malapit sa Guadalupe bus loading at unloading bay area, sa Brgy. Guadalupe Nuevo sa Makati City.

Papasakay umano si Oracion sa bus na minamaneho ni Garcia sa lugar hanggang maipit sa biglang pagdating ng bus na minamaneho ni Brioso.

READ MORE:  Binatilyo binoga sa ulo

Isinugod sa paga­mutan ang biktima ngunit binawian ng buhay kala­unan.

Agad nahuli ng mga awtoridad ang dalawang driver na nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso sa Makati Pro­secutor’s Office.

ni JAJA GARCIA

COMMENTS

About Jaja Garcia

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved