Monday , December 17 2018
Breaking News
You are here: Home / News / ‘Sudden death’ itinulos ng UP Maroons vs Falcons (Para makapasok sa UAAP Finals after 32 years)

‘Sudden death’ itinulos ng UP Maroons vs Falcons (Para makapasok sa UAAP Finals after 32 years)

MATAPOS ang 32 taon, balik na sa Finals ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) ang UP Fighting Maroons. 

Ito ay matapos ang pambihirang 89-87 overtime win ng Diliman-based squad kontra sa paboritong Adamson Falcons sa sudden death Final Four kagabi sa Smart Araneta Coliseum. 

Ang panalong ito ay tuluyang nagkompleto sa malaking silat ng Fighting Maroons matapos pumasok bilang third seed kontra sa armado nang twice-to-beat advantage bilang second seed na Falcons. 

Magugunitang nitong nakaraang Sabado ay nakapu­wersa ng do-or-die ang UP matapos ang 73-71 tagumpay sa Game 1.

READ MORE:  Maute members humalo sa bakwit (Armas inabandona)

Higit sa pagbura ng twice-to-beat sa una nilang Final Four appearance sa loob ng 21 taon, tuluyan na ring winakasan ng UP ang 32 taong pagkagutom sa Finals appearance.

Huling nakapasok ang Fighting Maroons sa UAAP Finals noong 1986 nang nakuha ang kaisa-isa nilang kam­peonato sa pamumuno nina Eric Altamirano, Ronnie Magsanoc at Benjie Paras.

Ngunit hindi naging madali ang tagumpay ng UP dahil nilustay pa nila ang 60-44 abante sa ikatlong kanto.

Dahil sa karanasan, guma­pang sa laro ang Adamson sa likod ni Jerom Lastimosa na nagtarak ng pambaong tres sa huling segundo upang ibuhol ang iskor sa 78-78 tungo sa overtime.

READ MORE:  Kampanya kon­tra-korupsiyon

Ngunit sa overtime ay hindi na naawat ang Fighting Maroons sa pa­ngunguna ng kapitan na si Paul Desiderio.

Naglalaro sa kanyang huling taon sa Diliman bago umakyat sa PBA, ibinuhos ni Desiderio ang huling limang puntos ng laro kabilang ang fade-away jumper sa huling 6 segundo ng overtime para sa 89-87 kalamangan ng UP bago sumandal sa maha­lagang defensive stop tungo sa panalo.

Nagtapos sa 16 puntos si Desiderio habang may 13 puntos at 17 rebounds naman si UAAP Season 81 MVP Bright Akhuetie.

READ MORE:  ‘Sudden death’ itinulos ng UP Maroons vs Falcons (Para makapasok sa UAAP Finals after 32 years)

Binuhat ni Juan Gomez de Liano sa halos kabuuan ng laro ang UP sa kanyang 30 puntos bago sumaklolo sa dulo si Desiderio.

Samantala, sa ikalawang sunod na taon ay bigong maka­abante sa Finals ang segundang Falcons sa kabila ng 20 puntos ni Jerric Ahanmisi.

Nauwi rin sa wala ang 16 puntos at 14 rebounds ni Papi Sarr gayondin ang 17 puntos ni Lastimosa.

Haharapin ng UP sa best-of-three Finals ang back-to-back champion na Ateneo simula sa Sabado.

ni John Bryan Ulanday

COMMENTS

About John Bryan Ulanday

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved