Monday , December 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Hindi lang online casino workers… Chinese ‘prosti’ sandamakmak rin sa Macapagal Blvd.
Hindi lang online casino workers… Chinese ‘prosti’ sandamakmak rin sa Macapagal Blvd.

Hindi lang online casino workers… Chinese ‘prosti’ sandamakmak rin sa Macapagal Blvd.

KUNG may mga nagpapagal para humanap ng ‘ginto,’ mayroon din mga lugar para mag­palamig at magpapagpag ng pagod.

Ang tinutukoy natin rito ay mga Chinese nationals na ilegal na nagtatrabaho sa mga online gaming or casino at mga Chinese prostitutes na naglipana ngayon sa Macapagal Blvd.

Kakaiba ang siste ng mga babaeng Chinese na nagta­trabaho bilang prosti.

Pumapasok sila sa mga KTV Club hindi bilang guest relations officers (GRO) kundi mga pangkaraniwang customers.

READ MORE:  Isang mapayapa, ligtas at banal na Traslacion sa Poong Nazareno

Doon sila nangha-hunting mga parokyano.

Madali lang naman silang makilala. Saan ka naman nakakita na gabi-gabi ‘e nasa KTV club or bars.

Tumatambay sila sa mga KTV bar and clubs sa Macapagal at tinatatarget ang mga junket casino players.

Magaling sila umamoy kapag VIP casino players kaya ‘yun din ang kanilang tinatarget.

READ MORE:  BI hit P4.75B collections for 2017

Kaya kung seryoso ang mga operatiba ng pamahalaan na wakasan ang pamamayagpag ng mga illegal alien sa bansa, kayang-kayang masakote ang mga ‘yan.

Pero duda tayo na timbrado rin ang mga ‘yan kaya nga malalakas ang loob na makagala sa nasabing area.

Ang tanong, kumikilos ba ang mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) laban sa mga Chinese nationals na ilegal na namamalagi sa bansa?!

READ MORE:  Sr. Patricia Fox humihirit pa rin sa BI

Baka masagot ‘yan ng notoryus na Immigration fixers na sina Betty C. at Ana Sey?!

Ano kaya ang say ni Immigration high ranking official yellowtards?!

Pakisagot na nga po!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved