Monday , December 17 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Babae nakipag-sex sa 20 multo
Babae nakipag-sex sa 20 multo

Babae nakipag-sex sa 20 multo

HINDI inaasahang humantong sa tunay na pag-ibig ang itinuring na fling ng isang dalagang Englishwoman sa sinasabi niyang isang Australian ghost.

Sa katunayan, para mapatunayan na totoo ang kanyang karanasan, sinabi ng dalagang si Amethyst Realm, 30-anyos, ng Bristol, England, na inalok na siya ng kasal ng kanyang multong kati­pan — at nais niyang ihayag ito sa buong mundo.

Ayon kay Amethyst, nagawa niyang nang makipag-sex sa hindi bababa sa 20 multo simula nang magdalaga siya ngunit hindi rin daw siya naghahanap ng bagong relasyon nang magtungo siya sa Australia sa isang business trip.

READ MORE:  8 patay, 14 sugatan sa karambola ng 4 sasakyan

Gayonman, nagbago ang plano niyang ‘nature hike’ nang makatagpo niya ang isang aparisyon at nakaramdam siya ng kakaiba.

Hindi rin inakala ni Realm na hahantong ito sa bagay na magiging seryoso dahil may ugali umano ang mga espiritu na manatili sa iisang lugar, dangan nga lang ay ikinagulat niya ang sumunod na nangyari nang pauwi na siya sa Bristol lulan ng eroplano dahil lumitaw na nagtago ang katipang multo sa cargo ng eroplano.

“I couldn’t believe it. I was happy and excited—so excited that we had to do something about it. So we headed to the plane loo. And, well, I am now a member of the Mile High Club,” ani Amethyst.

READ MORE:  Flights nabalam, paglalayag kanselado (Dahil sa lindol sa Bohol at Cebu)

Ito’y siyam na buwang nakalipas at ngayo’y nagprogreso na ang kanyang situwasyon para naising magpa­kasal sa kanyang ka­sin­tahang multo at ihayag sa buong mundo ang kanyang pagbubuntis ng kanyang ‘ghost baby’ sa British show na ITV This Morning.

“There was no going down on one knee—he doesn’t have knees. But for the first time, I heard him speak. I could actually hear his voice, and it was beautiful. Deep, sexy and real,” ginunita ng dalaga ang alok na kasal ng kanyang katipan.

READ MORE:  3 patay sa vigilante

At ipinagmamalaki pa ni Amethyst ang pagiging ‘iba’ ng multong minamahal: “Ghost lovers tend to be more sensual and adept than the average bloke. There’s always more of a connection, because the sex goes beyond physical. It’s like any other kind of sex. The main difference is I just can’t see them.”

ni Tracy Cabrera

COMMENTS

About Tracy Cabrera

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved