Monday , December 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / MPD DD S/Supt. Vicente Danao Jr., ‘ipinanghaharabas’ ng nagpapakilalang bagman digs
MPD DD S/Supt. Vicente Danao Jr., ‘ipinanghaharabas’ ng nagpapakilalang bagman digs

MPD DD S/Supt. Vicente Danao Jr., ‘ipinanghaharabas’ ng nagpapakilalang bagman digs

ALAM kaya ni Manila Police District  (MPD) Director, S/Supt. Vicente Danao Jr., na isang nagpapakilalang ‘bagman’ Digs ang umiikot sa buong Kamaynilaan at ibinabando ang kanyang pangalan sa mga ilegalista?!

Ayon sa ating mga mapagkakatiwalaang sources, ikinokompriso umano ni bagman Digs ang pangalan ni DD Danao sa halagang P.8 milyon kada linggo.

Kaya nga raw umiikot ang wetpaks ng mga ilegalista at panay ang ‘parating’ sa tanggapan ni Digs.

Saan ba ang tanggapan ni Digs?!

READ MORE:  Alyado posible nga bang palayain ni VP Binay sa 2016?!

Kaya nalulukot daw ang mukha ng mga ilegalista lalo ng isang illegal parking operator dahil dagdag ‘tara’ na naman sila.

Wala namang bago sa mga higing na ganito.

Normal na raw ‘yan sa isang ‘teritoryo.’ Kapag may bagong DD, natural kailangan ng bagong putahe.

Hindi uubra na kung ‘bagoong’ lang dati ang inihahain ganoon din sa bago.

Kailangan may improvement at may increase.

Magtataka pa ba kayo kung bakit panay ang buntong-hininga ng illegal parking operators, illegal gambling operators, illegal vendors, iba’t ibang KTV bars at iba pang ‘lihim ng Guadalupe’ sa lungsod ng Maynila.

READ MORE:  100 co-passengers sa Saudia flight ng nurse na may MERS-CoV hindi pa rin nailo-locate

E paano kung namamayagpag pala ang mga ilegalista sa Maynila kapalit ng P.8 milyon kada linggo?

Aruyko!

Sasakit ang ulo ni Kernel Danao lalo’t mahigpit ang utos ni PNP chief, DG Oscar Albayalde  na panatilihing ‘makinang’ ang imahen ng pulisya.

Masyado na nga namang tainted ang imahen ng mga pulis kaya dapat na sila mismo ang kumilos para panatilihin ang kanilang kinang.

READ MORE:  2 pulis PCP nagbangayan  sa tongpats

DD S/Supt. Danao, Sir, kapa-kapa sa ulo ninyo at baka lumalaki na ang ‘bukol’ ay hindi pa ninyo nahahalata?!

Totoo ba ang isiniserena ni bagman Digs, DD Danao?

Pakisagot na nga po!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Notorious fixers sa BI dapat ipatawag sa Senado

Notorious fixers sa BI dapat ipatawag sa Senado

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved