Friday , March 29 2024
Oscar Albayalde Coco Martin PNP FPJ’s Ang Probinsyano
Oscar Albayalde Coco Martin PNP FPJ’s Ang Probinsyano

Coco Martin, mabilis naaksiyonan ang problema ng Ang Probinsyano

TINGNAN ninyo, nagkita lang sina Coco Martin at Secretary Eduardo Ano, kasama ang producer ng show na si Dagang Vilbar, at mabilis silang nagkaintindihan. Naipaliwanag nila nang maayos kay Secretary ang kanilang punto, at nalaman din naman nila kung ano ang damdamin ng pulisya sa kanilang serye.

Ang sumunod na meeting, nagkita sina Coco kasama ang ilang executives ng ABS-CBN, at si PNP Chief Oscar Albayalde, may nakahanda na silang memorandum of understanding. Nagpasya silang magtutulungan. Pinayagan na silang gumamit ng uniporme, sasakyan, at maging ng facilities ng PNP, sa kasunduang hindi naman nila pasasamain ang imahe ng ahensiya at ng pulisya.

Kung si Coco ay natangay niyong mga makikitid ang isip, at umalma sa sinasabi ng PNP, kagaya ng reaksiyon ng iba na iyon daw ay panghihimasok sa kanilang sining, palagay ba ninyo maaayos nang ganyan kabilis ang gulong iyon? May mga tao lang na mabilis na magbigay ng reaksiyon, nang hindi naman iniisip kung ano ang ibubunga kung susundin ang kanilang sinasabi.

Hindi rin tamang katuwiran iyong, “may disclaimer naman na fiction nga lang iyon”. Kasi iyong fiction makasisira rin sa kanilang interest, tingnan mo kung hindi iyang mga madadaldal na iyan magagalit din.

Sa mga ganyang issues, tingnan muna natin at pag-aralan, ano ba ang interest niyang mga nagbibigay ng kanilang opinion sa issue? Baka naman may interest silang iba kaya ganoon ang kanilang reaksiyon.

Natawa rin kami sa posisyon ng MTRCB. Noong magkaroon ng gulo, ang naging sagot nila agad ay ang trabaho lang nila ay classification, wala sa kanilang mandato iyong sinasabi ng PNP. Kasi ang nasa MTRCB, si Chairwoman Rachel Arenas ay isang dating congresswoman. Politiko rin naman siya. Natural lang sa kanya ang maghugas ng kamay sa banggaan ng dalawang malakas na puwersa.

Pero mabuti naman si Coco, naintindihan niya agad kung ano ang punto ng isa’t isa. Inayos niya eh ‘di mas madaling natapos ang gulo.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Marissa Delgado Marian Rivera

 Marissa Delgado tagahanga ni Marian, gandang-ganda sa aktres

RATED Rni Rommel Gonzales SI Marissa Delgado, na gumaganap na si Nova, ang masungit na biyenan ni Marian …

Xian Lim

Xian sa love: painful and a magical feeling

MA at PAni Rommel Placente NOONG nakaraang Biyernes, March 22, si Xian Lim ang naging guest sa Fast …

Cristy Fermin Baron Geisler

Cristy Fermin napatunayan anak ni Baron sa isang aktres

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TILA naging vindication naman para sa ating kaibigan at nanay-nanayang Cristy Fermin ang …

Baron Geisler Cristine Reyes Dearly Beloved

Baron binago estilo sa acting, Cristine magaling pa rin

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NANIBAGO kami sa ipinakitang acting ni Baron Geisler sa Dearly Beloved, ang latest movie …

Marianne Beatriz Bermundo Khristine Kate Almendras Ornopia Aspire Magazine Ayen Cas

Aspire Magazine tuloy na pag-arangkada; 2 beauty queen inihataw ang galing

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBILIB ang publisher ng Aspire Magazine na si Ayen Cas dahil sa bawat issue …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *