Saturday , April 20 2024

‘Ulo’ ng NHA sibakin (Kasunod ng HUDCC chief)

DAPAT sibakin din ni Pangulong Duterte ang pinuno ng National Housing Authority (NHA) matapos masisante ang isang mataas na housing official noong isang linggo, hiling  ng grupo ng executives ng ahensiya at miyembro ng employees union kahapon.

Ayon sa mga opisyal ng Consolidated Union of Employees ng NHA, ‘kabaro’ ni general man­a-ger Marcelino Escalada ang nasibak na si Housing and Urban Development Coordinating Council secretary general Falconi Millar na sinabing sang­kot sa, “activities that are greatly disadvantageous to the government.”

Pinatalsik ni Duterte si Millar sa HUDCC dahil sa umano’y katiwalian.

“The logical con­sequence of the dismissal of Secretary General Millar from HUDCC should be the sacking of NHA general manager Es­calada,” pahayag ng concerned CUE officers.

“They belong to the same cabal in the housing agency whose activities are detrimental to the interests of the housing sector and greatly dis­advantageous to the government, “ dagdag ng unyon.

Nabanggit ng mga opisyal ang sinasabing  ”crafty shepherding” ni Millar at Escalada ng panukalang pagbabayad ng P1.1 bilyon sa isang debeloper ng palpak na reclamation at housing project kahit sobra-sobra ang ibinayad ng gobyerno sa kompanya nito.

Ang kabayaran ay para sa pag-areglo ng ka­so na nag-ugat sa pag­kansela ng Smokey Mountain reclamation and development project sa Tondo, Maynila na sinimulan noong 1993.

Sinabi ng grupo na iniligaw at inimplu­wen­siyahan nina Millar at Escalada ang NHA go­ver­ning board upang aprobahan ang hinihingi ng developer.

“They set aside the findings and recom­mendations of the tech­nical working group created specifically for the purpose of evaluating the claims of payment of the developer,” pahayag ng grupo.

Inirekomenda ng TWG, bukod sa iba pa, na hintayin ng NHA ang court decision sa mga kaso bago simulan ang anomang pag-uusap sa ukol sa posibleng com­promise settlement.

Naipakita rin ang accounting records sa NHA management na sobra ang kabayaran ng gobyerno sa developer na umaabot sa P300 milyon.

Nagbabala ang Office of the Government Cor­porate Counsel laban sa posibleng katiwalian sa pagbabayad sa debeloper dahil umano  sa ‘incon­sistencies.’

Sa isang liham kay Escalda noong isang bu­wan, sinabi ni OGCC chief Elpidio Vega, naka­pag­tataka kung bakit kaila­ngan pang magbayad ang gobyerno sa debeloper ng P1,122,414,969 para sa areglo gayong may mga dokumento na nagsa­sabing sobra nang P300 milyon ang naibayad ng una sa huli.

Kinakatawan ng OGCC ang housing agency sa mga kaso na nakabinbin sa Court of Appeals.

“NHA’s Accounting Department reviewed the financial claims of (developer) and presented to the NHA Board its findings that (developer) had, in fact, been overpaid by around P300 million,” ani Vega kay Escalada sa kanyang liham.

Ngunit dinedma ni Escalada ang impor­masyon na itinago pala sa kaalaman ng NHA board.

Noong Hunyo, sina­bing si Millar ang nagpa­hintulot sa debeloper upang ipresenta ang settlement terms sa board na nag-isyu ng resolusyon noong Hulyo na nag­bibigay kapang­yarihan kay Escalada upang ma­kipag-usap sa debeloper ukol sa compromise settlement.

Binago ng NHA board ang settlement terms sa isa pang  board resolution noong 3 Oktubre na limang lupain sa NHA sa Vitas, Tondo pa ang idinagdag sa kabayaran.

Ang mga lupain ay sakop ng sale contract sa pagitan ng NHA at isa pang pribadong kom­panya noong Pebrero. Nabayaran na ang NHA nang mahigit P200 milyon sa panahon ng dating administrasyon. Ang balance na mahigit P800 milyon ay nakadeposito ‘in escrow’ para sa gob­yerno.

Ngunit tinuligsa ng concerned officials ang pagtanggi ni Escalada sa kabayaran ng natitirang utang para sa mga lupain habang ipinipilit na isama ang mga nasabing lupain sa pakikipag-areglo sa debeloper.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *