Tuesday , December 11 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Sino ba talaga ang suportado mo sa Pasay, Mayora Inday Sara?
Sino ba talaga ang suportado mo sa Pasay, Mayora Inday Sara?

Sino ba talaga ang suportado mo sa Pasay, Mayora Inday Sara?

NALILITO na po tayo rito kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Hindi natin alam kung sino ba talaga ang ‘bata’ niya sa Pasay City.

Nitong November 9, nag-post si congress­woman Emi Calixto-Rubiano sa social media ng mga retrato nila ni Mayor Sarah.

Itinaas ni Inday Sarah ang kamay ni Con­gress­­woman na tuma­tak­bong mayor ngayon sa Pasay City.

Umabot ang reactions nito sa 729 at 70 plus shares kaya putok na putok sa socmed na siya ang sinusuportahan ng panganay na anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.

READ MORE:  PNP ret. C/Supt. Benjamin Delos Santos bagong BuCor director

Pero kinabukasan, November 10, nag-post ang isang Gilbert A. Aguilar nang ganito:

“Ito po ang Genuine at ang ating pinakahi­hintay na (endorse) ng ating mahal na Pa­ngulong Rodrigo Roa Duterte at ni Mayor Sarah Duterte at itinaas na po ang kamay ng ating bagong Mayor ng Lungsod ng Pasay Mayor Cesar “Chet” Cuneta. Ipakalat na po ntin sa buong Pasay ang mabuting balita. Ang muling paglipad ng agila sa lungsod ng Pasay! Team Cuneta/ Advincula/ Alas para sa bagong Pasay! Mabuhay ang Pasayeño!”

READ MORE:  Nayong Pilipino Foundation off’ls sinibak ni Duterte

Kasunod niyan ang retrato na itinataas nina Inday Sarah at Ate Shawie ang kamay ni Kuya Chet na tumatakbo rin sa Pasay bilang mayor.

E sino ba talaga ang sinusuportahan ng mga Duterte?

Ang mga Calixto ba o ang mga Cuneta?

Ano ba ang masasabi mo rito, Konsi Ding Santos?!

READ MORE:  Joel Maglunsod sinibak ni Digong (Crackdown sa KMU umpisa na)

Ikaw ang alam naming ‘batang sarado’ ng mga Cuneta kaya ikaw lang ang makapagko­kopirma nito.

Pakibalitaan nga po kami.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP[email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Lady district engineer hulicam sa ‘lagayan’ ng SOP sa road project (Militar italaga na rin sa DPWH?!)

Lady district engineer hulicam sa ‘lagayan’ ng SOP sa road project (Militar italaga na rin sa DPWH?!)

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved