Wednesday , April 24 2024
sexual harrassment hipo

‘Palit-puri’ kinondena ng Tanggol Bayi

INAKUSAHAN ng Tanggol Bayi,  aso­sa­syon ng mga babaeng tagapagtangol ng kara­patang pantao, ang Armed Forces of the Philippines at Philip­pine National Police sa walang humpay na pag­labag sa karapatan ng mga kababaihan sa gitna ng kampanya la­ban sa rebelyon.

Ayon kay Geri Ce­rillo, Tanggol Bayi co­ordinator, sangkot ang mga sundalo at mga pulis sa mga kalupitan laban sa kababaihan.

“The drug war did not only spin a series of brutal killings perpetrated by police forces that hide behind their twisted narratives. This campaign by the Duterte regime also gave rise to cases of gross violence against women and children committed with impunity,” pahayag ni Cerillo.

“Several non-govern­ment organizations (NGOs) have revealed a heinous scheme called sex-for-freedom scheme or ‘palit-puri’ rampant among police operations, but have exponentially worsened in the course of the drug war. This in­volves police operatives using the drug war to rape women, by way of bargaining unwanted sexual intercourse with suspected women drug suspects or women relatives of persons they accuse of peddling drugs in exchange for freedom,” paliwanag ni Cerillo.

Ayon sa Tanggol Bayi may 15-taong gulang na babaeng inakusahan ang isang PO1 Eduardo Va­len­cia na palalayain ang nanay niya kapalit ng pakikipag sex sa kanya.

Binanggit rin ng Tanggol Bayi ang mga report tungkol sa da­lawang pulis Quezon City na nakipag-sex sa isang babae kapalit ang pag­pa­palaya rito.

Ayon sa Tanggol Bayi, ang mga insidente ay dapat imbestigahan at maglagay ng meka­nismo para mahinto ang ‘diskarteng’ ng palit-puri. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

fire dead

Nanay naghanap ng kahoy para panggatong
2 PASLIT NA MAG-UTOL NAABO SA SUMABOG NA TANGKE NG LPG

SILANG, CAVITE — Masusing iniimbestigahan ang pagkamatay sa sunog ng magkapatid na paslit base sa …

Ejay Falcon Alan Peter Pia Cayetano ORIENTAL MINDORO

Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong  
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO

UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang …

PCMC MRI and CT scan Pia Cayetano Bong Go

Cayetano nanguna sa pasinaya  
STATE-OF-THE-ART MRI, CT SCAN EQUIPMENT, ATBP FACILITIES SA PCMC

PINANGUNAHAN ni Senadora Pia Cayetano ang pagbubukas ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) para sa …

Navoteño solo parents cash subsidy

Navoteño solo parents tumanggap ng buwanang cash subsidy

SINIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga …

drugs pot session arrest

4 arestado sa pot-session sa Valenzuela

SWAK sa kulungan ang apat katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *