Tuesday , December 11 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Christian Bables, ‘di nangapa sa pagbibitaw ng punchlines
Christian Bables, ‘di nangapa sa pagbibitaw ng punchlines

Christian Bables, ‘di nangapa sa pagbibitaw ng punchlines

MALAPIT sa puso ni Christian Bables ang comedy dahil natural siyang komedyante.

Ayon kay Christian na pagbibidahan ang isang romantic comedy movie mula Regal Films, ang Recipe For Love na pinamahalaan ni Jose Javier Reyes at pinagbibidahan nila ni Cora Waddel, “hindi malayo sa akin. I must say ‘yung sense of humor ko malakas din naman talaga. Mahilig akong magpatawa sa mga katid ko, sa mga kaibigan.”

Giit pa ni Christian na mapapanood na sa Nobyembre 21 ang Recipe For Love, “Hindi naman ako nangapa sa pagbitaw ng punchlines. It’s something that’s part of me.”

At para nga maging convincing ang kanyang pagganap ni Christian, inihilera niya ang kanyang personalidad sa kanyang karakter. Kaya naman naging natural ang pagganap niya sa kanyang karakter.

READ MORE:  LGBT groups, people’s org. at iba pang civil society, magtitipon-tipon para sa Quezon City Pride March
READ MORE:  Angelo Carreon, pursigido sa kanyang showbiz career

“Ang sarili kong process, ipa-parallel ko ang sarili sa karakter ko sa pelikula. Hinanapan ko ng common ground.

“Nilagyan ko rin siya ng puso gaya ng lahat ng character na ginagawa ko, mapa-drama, mapa-comedy.”

Ginagampanan ni Christian si Calix, isang chef sa isang upscale Filipino restaurant na makikilala ang isang food blogger at nagnanaqis maging magazine editor na si Val. Tulad ng kanilang iniluluto at isinusulat, ganoon din ang nangyari sa kanilang relasyon, may pait at sweetness.

READ MORE:  Makatotohanan ba ang Signal Rock o kathang isip lang?

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Niña Taduran, 3rd Nominee ng ACT-CIS partylist
Niña Taduran, 3rd Nominee ng ACT-CIS partylist
RDL owner, ‘di nai-iintimidate sa pagsusulputan ng napakaraming skin care products
RDL owner, ‘di nai-iintimidate sa pagsusulputan ng napakaraming skin care products
COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved