Tuesday , December 11 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Martin at Kiko, wa keber sa matitinding laplapan

Martin at Kiko, wa keber sa matitinding laplapan

HAPPY si Martin del Rosario na may movie version na ang pinag­bibidahan niyang Born Beautiful directed by Perci Intalan.

Originally kasi ang Born Beautiful ay intended bilang cable TV series na produced ng The IdeaFirst Company at Cignal Entertainment. Spin-off ito ng award-winning at hit movie ng IdeaFirst na Die Beautiful.

Pero bago pa man maipalabas ang Born Beautiful sa Cignal cable, nagdesisyon ang IdeaFirst at Cignal Entertainment na gawin muna itong  pelikula dahil sa ganda ng finished product nang makompletong i-taping ang buong serye. Plano namang isunod ipalabas ang cable TV series version nito pagkatapos maipalabas ang pelikula.

READ MORE:  Ara, tumanggap na ng mother role A mother’s love!

Very challenging para kay Martin ang role niya sa movie bilang si Barbs. ”Nakalabas na ako sa gay roles, pero ito ‘yung ikinukonsidera kong very challenging. Ito ‘yung best gay role ko so far,” sabi ni Martin.

Na-challenge din si Martin sa kanyang daring scenes sa Born Beautiful. May matinding laplapan sila ng isa sa leadingmen niya na si Kiko Matos.

Paano hinarap ito ni Martin? ”Nag-usap naman kami ni Kiko bago kinunan ‘yung eksena. Pero kasi ‘pag nandoon ka na sa eksena at nasa character ka na, hindi mo na iisipin na ako si Martin, siya si Kiko, talagang ibibigay mo ang lahat bilang si Barbs. Kaya laplapan kung laplapan. Kasi trans ako rito so, inisip ko na babae ako, maganda ako, inilagay ko ‘yung sarili ko sa mararamdaman ni Barbs, ganoon. First time ko makipaghalikan at makipag-love scene sa lalaki, kaya ang dami kong firsts dito sa ‘Born Beautiful.’ Thankful ako na very professional si Kiko tapos gina-guide pa kami ni Direk Perci.”

Maging si Kiko ay ginawa rin ang kailangang gawin sa laplapan scene nila. Ani Kiko, ”Artista ako eh, so kung ano ‘yung inire-require sa eksena at kung ano ang sinabi ng direktor gagawin mo. Bago ko pa tinanggap itong project alam ko na may ganoong mga eksena. Hindi naman ito ‘yung first na makipaghalikan ako sa lalaki, pero ito ‘yung isa sa matitindi pati sa love scene.”

Masaya lang sina Martin at Kiko na maipalalabas na rin sa big screen ang Born Beautiful sa Enero 2019.

READ MORE:  Daniel at Kathryn, ang galing-galing sa She’s Dating The Gangster (Sarah, ‘di na solo ang magpakilig at magpa-cute na papel)
READ MORE:  Kiko, ‘wa ker makipaghalikan sa bading

ni GLEN P. SIBONGA

COMMENTS

About GLEN P. SIBONGA

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved