Monday , December 10 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Kabataan Kontra Droga at Terorismo inilunsad (Sa Davao City)
Kabataan Kontra Droga at Terorismo inilunsad (Sa Davao City)

Kabataan Kontra Droga at Terorismo inilunsad (Sa Davao City)

PINANGUNAHAN ni dating Special Assistant to the People SAP Christopher “Bong” Go ang paglulunsad ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDT) sa Davao City, kamakalawa.

Sa kanyang mensahe, hinikayat ni Go ang mga mag-aaral sa high school mula sa pribado at pampublikong paaralan na iwasan ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot dahil walang kabutihang maidudulot ito sa buhay at sisirain lamang ang utak ng tao.

READ MORE:  Bong Go sa Senado tututukan ng Pangulo

Hinimok niya ang mga estudyante na maglaro ng basketball kaysa magdroga.

Upang matulungan aniya ang kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa illegal drugs, ay mag-iikot  siya sa buong bansa upang hikayatin ang publiko na maglaro ng basketball imbes mag-droga.

READ MORE:  Duterte sinamahan si Bong Go sa Comelec

Sa naturang pagtitipon, hiningi ni Go ang suporta ng mga kabataan sa kampanya ng Pangulo laban sa illegal drugs at ipinatutupad na batas militar sa Mindanao laban sa terorismo.

READ MORE:  Kerwin, Dayan, Espenido magkakasalungat (May sinungaling — Drilon)

Sa ngayon, ayon kay  Go, nagsusumikap ang pamahalaan  na maibangon muli ang  Marawi at maibalik sa normal ang pamumuhay ng mga residente. (ROSE NOVENARIO)

 

 

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved