Tuesday , December 11 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Beteranong reporter patay sa ‘saksak’ ng 15-pulgadang itak (Sa Albay)

Beteranong reporter patay sa ‘saksak’ ng 15-pulgadang itak (Sa Albay)

PATAY ang isang beteranong mama­mahayag makaraan pagsasaksakin sa bayan ng Daraga, Albay, nitong Linggo.

Ayon sa isang testigo, nakita niyang papalabas ng basketball court ang biktimang si Celso Amo na may saksak sa likod.

READ MORE:  2 drug personality todas sa ambush

Ngunit hinabol ng suspek at muling inun­da­­yan ng saksak ang biktima.

Mabilis na nagres­pon­de ang mga pulis na ilang metro lang ang layo ng istasyon sa baskeball court, at nadakip ang suspek.

Isang bolo na may habang 15 pulgada ang ginamit ng suspek.

READ MORE:  SIM Card Registration Act lusot na sa Kamara

Hindi muna nagbigay ng pahayag ang pamilya ni Amo, na nagsilbing correspondent ng Philippine Star sa loob ng 21 taon.

Ayon sa pulisya, sinabi ng suspek na tila pinagkakaisahan siya ni Amo at ng mga kalaro ng biktima.

READ MORE:  2 masahista patay sa motorsiklo vs kotse

Samantala, sinabi ng pamilya ng suspek na may diperensya sa pag-iisip ang kanilang kapatid makaraan mamatay ang kanilang ina.

HATAW News Team

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved