Tuesday , December 11 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Diego Loyzaga, nakalabas na ng ospital, inilipat ng rehab center
Diego Loyzaga, nakalabas na ng ospital, inilipat ng rehab center

Diego Loyzaga, nakalabas na ng ospital, inilipat ng rehab center

NAKALABAS na ng St. Lukes Hospital si Diego Loyzaga nitong Huwebes ng gabi at itinuloy sa isang rehabilitation center base sa kuwento ng aming source.

Matatandaang itinakbo ang aktor sa nasabing hospital nitong Martes ng gabi matapos saktan ang sarili sa pamamagitan ng paglaslas sa kanyang leeg at pulso gamit ang swiss knife.

Duda ng lahat, dumaranas ang aktor ng depresyon dahil nga Ber months na naman at naalala na naman niya ang lolo Caloy Loyzaga niya na ama ng inang si Teresa Loyzaga na super close niya.

READ MORE:  Direk Connie, ibabalik ang sexy movie

Inamin naman ito ng aktor sa mga nakaraang interbyu niya na kapag dumarating ang Ber months ay depress siya.

Anyway, ayon sa aming source, ”lumabas na Diego last night (Huwebes), inilipat siya sa rehab (rehabilitation) at wala namang imik noong sumakay siya. He was brought near in Cubao, malapit sa Chocolate Lover, Inc (bilihan ng raw materials for chocolates). Hanapin mo na lang ‘yung place.”

Inalam namin ang sinasabing lugar na puwedeng pagdalhan kay Diego. Ang sabi sa amin ng mga nakaaalam ng rehab center ay sobrang pribado ang lugar at bawal bumisita ang hindi kaanak at higit sa lahat, hindi sila nagbibigay ng mga impormasyon tungkol sa mga pasyente nila.

READ MORE:  Beauty, masuwerte sa asawa at career
READ MORE:  Meg, iwas muna sa pagpapa-sexy

Umaasa kaming magiging maayos na ang kalagayan ng aktor dahil hinihintay siya ng lahat sa soap dramang Los Bastardos bilang si Joaquin Cardinal.

Bukas naman ang pahinang ito para sa pamilya ni Diego at ng Star Magic.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved