Tuesday , December 11 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kiray, umeksena sa Class of 2018
Kiray, umeksena sa Class of 2018

Kiray, umeksena sa Class of 2018

PALABAS na sa 150 cinemas nationwide ang teen horror-thriller movie na handog ng T-Rex Entertainment, ang Class of 2018 na pinagbibidahan nina Nash Aguas at Sharlene San Pedro.

Pang-millennial ang pelikula kaya tiyak kong magugustuhan ito ng mga kabataan. Sa pelikula’y tiyak na kayo’y matutuwa, maiiyak, magagalit, magugulat, at titili dahil sa mga eksena ng mga estudyanteng nagtungo sa isang lugar para tumuklas ng bagong species kaugnay ng kanilang Science project.

READ MORE:  Mother Sitang at Vice Ganda, gagawa ng pelikula

Hindi alam ng mga estudyante at mga gurong kasama na masusuong lang pala sila sa isang problema, ang pagkakaroon nila ng virus na magiging sanhi para magpatayan.

READ MORE:  KC, pinuri ni Teacher Georcelle: pinakamadaling turuan

Sina Nash at Sharlene ang bida pero umeksena at hindi nagpatalo sa eksena si Kiray. Nariyang nagtulog-tulugan o magkunwaring patay para hindi maamoy ng estudyanteng may virus para hindi siya mapatay.

READ MORE:  Pintakasi, kinilala sa The Crouching Tigers Festival

Nakakabuwisit din si Kiray dahil sa simula pagiging pabebe at feeling maganda.

Kasama rin sa pelikula si Kristel Fulgar na umaalingawngaw ang boses.

Pang-barkada ang Class of 2018 na gustong magtakutan aat magsisigaw sa loob ng sinehan. (MVN)

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved