Monday , December 10 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Hindi ko endorser si Vice, fan niya ako — Gov. Imee Marcos
Hindi ko endorser si Vice, fan niya ako — Gov. Imee Marcos

Hindi ko endorser si Vice, fan niya ako — Gov. Imee Marcos

“HINDI ko endorser si Vice Ganda!” Ito ang iginiit ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos nang makahuntahan namin ito sa isang pananghalian noong Martes para sa kanyang kaarawan sa Nobyembre 12 sa isang restoran sa Quezon City.

Nag-viral at binigyang kulay ang pagkakasabay nila ng komedyante sa airport sa Ozamiz City at sinabing ineendoso siya nito bilang senador.

Natatawang paliwanag ni Imee, ”Naku tama si Vice. Hindi ko siya endorser. Ang totoo, fan niya ako. Kinunan kami ng picture. Alangan namang hindi ka babati. Walang endorse-endorse. Pareho nga kaming inaantok sa kaagahan, hahaha!” 

Nagtungo ang gobernadora sa Ozamis dahil guest siya ni Congressman Henry Oaminal sa state of the district address nito. Galing naman sa isang show si Vice at iisa ang sinakyan nilang eroplano.

READ MORE:  Labing-isang kandidata ng Miss Paint Babes 2014 Beauty...
READ MORE:  Laurence, dream come true na makasama si Lea

Nagsalita na rin naman si Vice Ganda ukol sa pagkakasabay nilang iyon ng gobernador.

Natanong si Gov. Imee kung sakaling maging endorser niya ang komedyante eh, payag ba siya? Na sinagot naman niya ng, ”Bakit naman hindi? Ako pa ba na malapit sa gaya niya, hahaha!”

Samantala, natagalan namang tumakbong senador ang governor ng Ilocos Norte dahil, ”Kasi, baka antukin ako roon, hahaha! Puro daldalan dahil sa investigations. Pero heto, nahilingan at ang isa kong aayusin diyan ay ang MTRCB at isang governing body na magsasaayos sa movie industry.”

Kasama ring isusulong ni Imee, ang pag-angat sa kabuhayan ng mga mahihirap, todong suporta sa mga magsasaka, at pagsuspinde sa VAT bilang panglaban sa inflation.

READ MORE:  Aiza at Liza, tuloy na ang pagpapa-IVF

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved