Wednesday , January 16 2019
Breaking News
You are here: Home / News / ‘Bangky’ ng Forevermore natagpuang patay  sa beach resort
‘Bangky’ ng Forevermore natagpuang patay  sa beach resort

‘Bangky’ ng Forevermore natagpuang patay  sa beach resort

PUMANAW na ang bete­ranong character actor na si Nonong de Andres, mas kilala sa showbiz bilang si “Bangkay.”

Siya ay binawian ng buhay nitong Martes ng umaga, 6 Noyembre. Siya ay 71-anyos.

Kinompirma ng pa­mangkin ni De Andres na si Paolo Capino ang pag­panaw ng aktor.

Ayon kay Capino, namatay ang kanyang tiyuhin sa bahay ng kai­bigan niyang mayor ng Plaridel, Quezon, na si Bernard Tumagay.

Ngunit sa hiwalay na ulat, natagpuan umano ng isang caretaker ang bangkay ng veteran character actor sa isang beach resort sa Plaridel, Quezon. Sinasabing nag­pakamatay ang aktor.

READ MORE:  Sari-sari store inararo ng jeep, 4 sugatan

Sa Facebook post ng pamangkin ni De Andres na si Powee Capino, hu­mi­hiling ang kanilang pamilya ng dasal para sa kanyang namayapang tiyuhin.

“Please pray for the eternal repose of the soul of my Tito Nonong who passed away early this morning.

“He is more popu­larly known as ‘Bangkay’ in horror movies and ‘Bangky’ in Forevermore.

“This is aside from the hundreds of movies and TV appearances he was in throughout his acting career. He was 71.”

READ MORE:  Lawful order ng pangulo susundin ng NCRPO

Wala siyang inilagay na detalye kung ano ang ikinamatay ng kanyang tiyuhin.

Ang Forevermore ang sikat na primetime series ng ABS-CBN na pinag­bidahan nina Liza Sobe­rano at Enrique Gil noong 2014.

Sa Forevermore din su­mi­kat ang “love team” ni De Andres at ng character actress na si Lilia Cunta­pay, na nakilala rin sa pagganap sa horror films. Pumanaw si Lilia noong Agosto 2016.

READ MORE:  Freddie Aguilar new NCCA chief

Ang huling proyekto ni De Andres sa telebisyon ay Bagani (2018) na pi­nag­­bidahan din nina Liza at Enrique.

Unang napanood si De Andres sa peliku­lang Kisame Street (1976) na bida sina Dolphy, Panchito, at Nida Blanca.

Nakilala siya nang husto sa horror at comedy films dahil sa kanyang pagganap bilang bang­kay.

Patok na patok siya sa role na bangkay kaya ito na rin ang ginamit niyang screen name.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top