Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / SHS students may internship sa Navotas City hall
SHS students may internship sa Navotas City hall

SHS students may internship sa Navotas City hall

PARA matulungang maging handa ang kabataang Navo­teño sa kanilang kina­bukasan, nilagdaan ni Mayor John Rey Tiangco ang kasunduan para sa kanilang “work immersion” sa pamahalaang lungsod.

Pumirma rin sa “memo­randum of agreement” si Dr. Meliton Zurbano, OIC schools division superin­tendent, at ang mga princi­pal ng mga mag-aaral sa senior high school na sa­sailalim sa nasabing pro­grama.

READ MORE:  Navotas City may bagong dump trucks

Kasama sa mga paara­lang iyon ang Bangkulasi Senior High School, Filemon T. Lizan Senior High School, Gov. Andres Pascual College, Kaunlaran High School, San Roque National High School at Tangos National High School.

Sa programang ito, 462 kabataang Navo­te­ño ang magtatrabaho sa city hall hanggang makom­pleto nila ang 80 oras ng kanilang internship.

Hahatiin sila sa tatlong batches at itatalaga sa iba’t ibang tanggapan ng pama­halaang lungsod simula 16 Nobyembre 2018 hanggang Pebrero 2019.

READ MORE:  Positive chi pakilusin sa trabaho

Ang Work Immersion Program ay requirement ng Department of Education para sa senior high students bago sila maka-graduate.

Bilang bahagi ng K-12 basic education reform pro­gram, inaasahan na magi­ging daan ito para maihanda ang mga estudyante sa pagpasok sa trabaho.

Ani Tiangco, magan­dang oportunidad ito para maranasan ng mga kaba­taang Navoteño ang ser­bisyo publiko at maintin­dihan nila ang mga gawain sa pamahalaang lungsod.

READ MORE:  A Dyok A Day

“Hangad nating maibi­gay ang anomang maka­bubuti para sa ating mga mag-aaral. Kung ang immer­sion na ito ang makatutulong para maihanda sila sa kanilang kinabukasan, bu­kas ang ating pamahalaang lungsod para turuan sila,” dagdag niya. (JUN DAVID)

COMMENTS

About Jun David

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved