Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Requirement ng PRC na continuing professional development (CPD) inirereklamong raket ngayon (Sa renewal ng lisensiya)
Requirement ng PRC na continuing professional development (CPD) inirereklamong raket ngayon (Sa renewal ng lisensiya)

Requirement ng PRC na continuing professional development (CPD) inirereklamong raket ngayon (Sa renewal ng lisensiya)

ILANG professional (nurses, engineers at iba pa) ang narinig nating inirereklamo ang rekesitos ng Professional Regulation Commission (PRC) na continuing professional development (CPD) para makapag-renew sila ng lisensiya.

Kamakailan, isang engineer ang nabiktima. Nagbayad siya ng P3,500 para kumuha nga ng CPD nang sa gayon  ay mai-renew na ang kan­yang lisensiya pero na-swak siya sa isang raket.

Natuloy naman ang seminar. Pero sila ay pinasalampak sa semento at ang kaakibat na meal ay hindi nila nakita.

READ MORE:  Namamayagpag na ‘corruption’ sa barangay walisin nang tuluyan

Kaya maraming professional ang diskon­tento sa rekesitos na ito ng PRC. Imbes maka­tulong sa kanilang pag-unlad bilang professional ay nagmumukha na silang ‘cheap’ kahahabol sa nasabing requirement.

Heto pa ang siste, bawat seminar ay iba-iba ang point system kaya habol nang habol sila para ma-achieve ang points na itinatakda ng PRC.

Diyan pumapasok ang mga raket na seminar. Ang mahal ng singil pero ang katapat na puntos kakarampot.

Hero ang post ng isang blogger batay sa reklamo ng mga engineer :

READ MORE:  Divisoria-Soler PCP berdugo sa mga vendor!

1) Ang haba ng pila papasok ng venue. Umaabot pa ng 1-2 hours ang pila. Namimiss na ‘yung ibang sessions;

2) Unrelated ang topics pero hindi ka puwedeng mag-absent kasi chinecheck ang ID bawat session. May mga topics na architectural. Walang bago. Parang nagkukuwento lang! Mas marami pa matutunan sa TED talks sa youtube;

3) Kulang ang upuan (see image). Binaboy ang profession ng mga civil engineer. Ang mahal mahal ng bayad 3500 walang snack, walang meals, wala pang upuan; 4) Ang dami rin nagpapa-scan ng ID. May handlers, ang daming hawak na ID. Hinahayaan ng mga nag-i-scan para sa compliance na rin.

Paging PRC!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Cheapest 3rd Telco pangako ni Chavit libre wi-fi pa raw

Cheapest 3rd Telco pangako ni Chavit libre wi-fi pa raw

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved