Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Katiwalian sa PNP mababawasan — Lacson (Sa taas-sahod sa pulis)
Katiwalian sa PNP  mababawasan — Lacson (Sa taas-sahod sa pulis)

Katiwalian sa PNP mababawasan — Lacson (Sa taas-sahod sa pulis)

UMAASA si Senador Pan­filo Lacson na mababa­wasan ang katiwalian sa Philippine National Police (PNP) o mawawala na ang kotong cops kapag ipina­tupad sa Enero 2019 ang pagtataas ng sahod sa mga pulis.

Naniniwala rin ang Se­na­dor na magiging epektibo ang pagtataas sa sahod at mga benepisyo sa mga pulis dahil sa “political will” ni Pangulong Rodrigo Duterte na maisakaruparan ito sa ilalim ng kanyang pamu­muno.

READ MORE:  Pari, Santo Olio ibinawal ni Garin sa MERS-CoV patients

Aniya, wala nang dahi­lan para magloko pa ang mga pulis dahil naibigay na lahat ng Pangulo ang nara­ra­pat para maging matino at tapat sila sa kanilang mandato para sa bayan at kapayapaan.

Sa kabila nito, hindi pa rin maiaalis ang pangamba ni Lacson na may ilan pa sa hanay ng mga pulis ang gahaman sa kapangyarihan at sa limpak-limpak na salapi na kikitain sa katiwalian kahit naibigay na ang lahat ng Pangulo para sila ay mag­bago.

READ MORE:  P2 Trilyon pagkalugi isinisi sa trapiko

Inihalimbawa ni Lacson ang ilang mga opisyal ng PNP na ang iba ay retirado na, na pinag-aral ng bayan sa pamamagitan ng PMA at PNPA kapalit ng malalaking suweldo at benepisyo ngu­nit nagna­kaw pa rin sa ka­ban ng bayan at kung min­san maging ang meal al­lowances ng mga pulis ay ibinubulsa ng ilang tiwaling opisyal. (C. MARTIN)

COMMENTS

About Cynthia Martin

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved