Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Cheapest 3rd Telco pangako ni Chavit libre wi-fi pa raw
Cheapest 3rd Telco pangako ni Chavit libre wi-fi pa raw

Cheapest 3rd Telco pangako ni Chavit libre wi-fi pa raw

KOMPIYANSA si Ilocos Sur ex-Gov. Chavit Singson na mananalo ang kanyang consortium na LCS Group-TierOne Commu­nications sa bidding para sa 3rd telecommunications player sa bansa.

Sa isang panayam, sinabi ni Chavit, “Kung P100 ang presyo nila (Globe o Smart), kami P5 lang, dapat na libre ang Wi-Fi.”

Ayon sa pangulo ng LCS Group, kaya nilang pababain nang husto ang presyo ng industriya bukod pa sa mas malawak na coverage na hatid ng kanilang ‘broadband satellites. Ang pagkuha nila ng mga satellites ay bunga ng kanilang pakiki­pagkasunduan sa aerospace company na Boeing.

Ipinagmalaki rin ni Singson ang layon nilang pagbubuo ng ‘telco-in-a-box’ sa higit 50,000 komunidad. Ilalagay ang solar-powered na pasilidad sa isang container van para magbigay ng internet sa loob ng 500-meter radius. Aabot sa P150-billion ang kakailanganing pondo para makasali sa bidding, base na rin sa Terms of Reference nito.

READ MORE:  Pasaway na negosyante sa QC ‘di uubra kay Domingo

Sabi nga ni Singson, mistulang ‘charity’ ang alok nilang serbisyo para sa mamamayang Fili­pino. Para naman kay Simon Fjell, vice president ng TierOne Communications, hindi nila layong kumita sa telecommunications services at Wi-fi kundi sa iba pang serbisyo tulad ng mobile banking at blockchain applications.

Kung magwawagi sa bidding si Manong Chavit, diyan pa lang natin mapapatunayan kung kaya nga niyang tuparin ang mga sinabi niya.

Kung sabagay, ‘yung SMART at GLOBE nga na matagal nang nagkakamal sa kanilang sub­scribers, walang ipinapangako, bakit hindi nga subukan ang 3rd TELCO?!

Ayon sa kampo nina Manong Chavit, hindi ito, kable-kable o optic fiber cable, satellite ang ga­gamitin nila kaya kayang-kaya nilang ibagsak ang presyo.

O sambayanang subscribers mukhang may bago tayong aabangan.

Sa renewal ng lisensiya
REQUIREMENT NG PRC
NA CONTINUING
PROFESSIONAL
DEVELOPMENT (CPD)
INIREREKLAMONG
RAKET NGAYON

ILANG professional (nurses, engineers at iba pa) ang narinig nating inirereklamo ang rekesitos ng Professional Regulation Commission (PRC) na continuing professional development (CPD) para makapag-renew sila ng lisensiya.

READ MORE:  QC Hall Police Detachment ‘di ba kinikilala si Gen. Tinio?

Kamakailan, isang engineer ang nabiktima. Nagbayad siya ng P3,500 para kumuha nga ng CPD nang sa gayon  ay mai-renew na ang kan­yang lisensiya pero na-swak siya sa isang raket.

Natuloy naman ang seminar. Pero sila ay pinasalampak sa semento at ang kaakibat na meal ay hindi nila nakita.

Kaya maraming professional ang diskon­tento sa rekesitos na ito ng PRC. Imbes maka­tulong sa kanilang pag-unlad bilang professional ay nagmumukha na silang ‘cheap’ kahahabol sa nasabing requirement.

Heto pa ang siste, bawat seminar ay iba-iba ang point system kaya habol nang habol sila para ma-achieve ang points na itinatakda ng PRC.

Diyan pumapasok ang mga raket na seminar. Ang mahal ng singil pero ang katapat na puntos kakarampot.

Hero ang post ng isang blogger batay sa reklamo ng mga engineer — 1) Ang haba ng pila papasok ng venue. Umaabot pa ng 1-2 hours ang pila. Namimiss na ‘yung ibang sessions; 2) Unrelated ang topics pero hindi ka puwedeng mag-absent kasi chinecheck ang ID bawat session. May mga topics na architectural. Walang bago. Parang nagkukuwento lang! Mas marami pa matutunan sa TED talks sa youtube; 3) Kulang ang upuan (see image). Binaboy ang profession ng mga civil engineer. Ang mahal mahal ng bayad 3500 walang snack, walang meals, wala pang upuan; 4) Ang dami rin nagpapa-scan ng ID. May handlers, ang daming hawak na ID. Hinahayaan ng mga nag-i-scan para sa compliance na rin.

Paging PRC!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved