Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Pinay sa Saudi patay sa lason (Kinompirma ng DFA)

Pinay sa Saudi patay sa lason (Kinompirma ng DFA)

TINIYAK ng mga opisyal ng Philip­pine Embassy sa Saudi Arabia na masusing iimbestigahan ang ulat na minaltrato ng kanyang amo ang isang Filipina domestic helper na namatay makaraan umanong uminom ng lason, ayon sa ulat ng Department of Foreign Affairs, nitong Linggo.

READ MORE:  Babay US hindi pa opisyal

Ang biktimang si Emerita Gannaban, 44, ay nagtungo sa Saudi Arabia para magtrabaho noong Hunyo. Siya ay namatay sa Prince Mo­ham­med bin Abdulaziz Hospital sa Riyadh noong 29 Oktubre.

“The Department assures the family of Gannaban that it would take a closer look into her death as well as alle­gations that she had been maltreated,” ayon sa DFA.

READ MORE:  Rasyon-tubig sagot ng Palasyo sa water crisis

Ang mga opisyal ng Philippine Embassy sa Riyadh ay nakikipag-ugnayan sa pamilya ni Gannaban gayondin sa kanyang amo at re­cruiters sa Manila at Riyadh kaug­nay sa pro­seso ng pag-uwi ng labi ng biktima sa Filipinas kapag natapos na ang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa kanyang pagkamatay.

READ MORE:  P3-M alahas natangay ng Dugo-dugo sa Cainta

“The embassy is waiting for the results of the autopsy conducted on Gannaban,” pahayag ng DFA.

HATAW News Team

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved