Tuesday , November 13 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Aplikante sa Kuwait Airways dumagsa (P56,000 sahod kada buwan)
Aplikante sa Kuwait Airways dumagsa (P56,000 sahod kada buwan)

Aplikante sa Kuwait Airways dumagsa (P56,000 sahod kada buwan)

BAGAMA’T Linggo, dinagsa ng mga aplikante ang unang araw ng pasahan ng aplikasyon para sa higit 400 traba­hong iniaalok sa mga Filipino ng Kuwait Airways, ang flag carrier ng bansang Kuwait.

Nasa 100 aplikante ang nagtungo nitong Linggo sa Yaazeemir International Manpower Agency sa Ermita, May­nila, tanggapan na maaaring mag-aplay para sa Kuwait Airways.

READ MORE:  Sambayanang Pilipino hinimok ni Alunan na kontrahin ang BBL

Ayon sa mga aplikante, hangad nilang makapagtrabaho sa Kuwait para makaipon at makatulong sa pag-aaral ng kanilang mga anak.

Napag-alaman, na­nga­ngailangan ng 459 manggagawang Filipino ang Kuwait Airways dahil sa pagbubukas kamakailan ng Kuwait Airways Terminal 4.

Kabilang sa mga posisyong iniaalok ng Kuwait Airways ang traffic officer, assistant traffic officer, assistant load control, assistant cargo officer, cargo opera­tor, cargo coordinator, at baggage sorter.

READ MORE:  Sen. Bongbong nanguna sa BBL public hearing sa Tawi-tawi

Maaaring sumahod nang hanggang KD325 o higit P56,000 kada buwan ang mga matatanggap, at libre ang tiket sa pag-uwi sa Filipinas kapag natapos ang dalawang-taon kontrata.

May posibilidad din umanong ma-renew ang kontrata kapag naging maganda ang perfor­mance sa trabaho.

READ MORE:  Tulak na holdaper todas sa buy-bust

Tatagal hanggang 17 Nobyembre 2018 ang panahon ng aplikasyon.

Para sa mga intere­sado, maaaring magsu­mi­te ng aplikasyon sa Yaazeemir International Manpower Agency sa Room 405, 4th floor ng AP Building 1563, F. Agon­cillo corner Pedro Gil Street sa Ermita, Manila.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved