Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 18-anyos dalagita dinonselya ng kapitbahay (Naghanap ng signal)
18-anyos dalagita dinonselya ng kapitbahay (Naghanap ng signal)

18-anyos dalagita dinonselya ng kapitbahay (Naghanap ng signal)

HINDI inakala ng isang 18-anyos dalaga na ang hangarin niyang maka­sagap ng signal para sa kanyang cellphone ang magiging dahilan ng pagkalugso ng kanyang puri sa Sto. Cristo, Angat, Bulacan, kamakalawa ng gabi.

Ayon sa ulat kay S/Supt. Chito Bersaluna, provincial director ng Bulacan PPO, nangyari ang insidente nang lumabas ng bahay ang 18-anyos biktima dakong 10:00 pm para magpunta sa lugar na mabilis maka­sasagap ng signal para sa kanyang cellphone.

READ MORE:  15 anyos bading, ginilitan ng tiyuhin

Ngunit imbes signal kapahamakan mula sa suspek na kinilalang si Alex Santiago alyas Jude, 22, helper at residente sa nabanggit na barangay, ang ‘napa­la’ ng biktima.

Nabatid, nasa labas ng bahay ang biktima dahil sa paghahanap ng signal, nang mula sa dilim ay biglang bumungad ang suspek, kinaladkad ang biktima sa inuupahang apartment at doon inilugso ang puri.

READ MORE:  PNoy, ex-president na bukod-tanging absent (Sa AFP turn-over ceremony)

Makaraan gahasain, ikinandado ni Santia­go ang pinto ng apart­ment para hindi maka­labas ang biktima ngunit nakatakas nang malingat ang suspek.

READ MORE:  Maniobra sa kalaban itinanggi ng Palasyo (Sa 2016 polls)

Sa kanilang bahay ay agad isinalaysay ng bikti­ma sa ina ang nangyari sa kanya na agad humingi ng tulong sa mga opisyal ng barangay.

Agad nakipag-ugna­yan ang barangay officials sa Angat police at mabilis na inaresto ang suspek na ngayon ay nakapiit sa municipal jail.

(MICKA BAUSTISTA)

COMMENTS

About Micka Bautista

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved