Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / Tiu, magre-retiro na?
Tiu, magre-retiro na?

Tiu, magre-retiro na?

TULUYAN na nga bang isasabit ni Chris Tiu ang kanyang #17 jersey o sasalang pa siya sa huling bira?

Iyan ang katanungan nang marami ngayon matapos ipahiwatig ng beteranong guwardiya na marahil ay nalaro na niya ang kanyang huling PBA game kasama ang koponan na Rain or Shine Elasto Painters.

Matapos umiskor ng career-high na 30 puntos sa 107-101 panalo ng Rain or Shine kontra NLEX kamakalawa, tinipon ni Tiu ang lahat ng kanyang fans para sa isang photo op.

Matapos iyon ay pumasok rin siya sa PBA media room para sa isang panayam bago siya umalis para sa team dinner kasama ang buong Elasto Painters.

READ MORE:  Paul George isinama sa laban vs Gilas

Ayon kay Tiu, nasa isip na niya ang pagreretiro kaya’t ibinigay na niya ang lahat sa kanyang posibleng huling laro sa PBA.

Hanggang ngayong 2018 PBA Governors’ Cup lamang ang kontrata ni Tiu sa RoS at hindi pa pumipirma ng bagong kontrata na lalong nagpaningas sa ugong na maaga niyang pagreretiro.

“Ibinigay ko na talaga lahat. I’m 33. I’m not getting any younger. I’m happy to be able to be a significant factor or player for Rain or Shine,” ani Tiu.

Bukod sa basketball, abala din si Tiu sa negosyo ng kanyang pamilya gayondin sa kanyang showbiz career kaya’t pinag-iisipang mabuti ang pagreretiro bukod pa ang naising mabigyan nang mas maraming atensiyon ang pamilya.

READ MORE:  Hagdang Bato vs Crusis kinasasabikan

“I’ve got a lot of things going on also outside of basketball and it’s just getting busier. I have personal commitments also,” dagdag ng dating Ateneo stalwart.

“My kids are growing up fast. I want to spend a lot of time with them especially in these very important formative years.”

Sa kabila nito, nananatiling bukas aniya ang pinto ni Tiu sa posibleng isa pang bira sa RoS dahil nakatakda silang magpulong ng Elasto Painters management sa pamumuno ni Raymond Yu at Terry Que.

READ MORE:  Cruz sa TNT aprobado

“I don’t wanna pre-empt anything. I’d rather talk to our team owners first and we’ll take it from there,” pagtatapos ni Tiu.

Matapos maging seventh overall pick noong 2012 PBA Draft, naparangalan si Tiu sa 2013 All-Rookie Team, nag-kampeon ng isang PBA title noong 2013 at naging Three Point Shootout champion din sa 2013 All Star Game.

Dagdag rito, ang kanyang pagiging miyembro sa orihinal na pambansang koponan na Gilas Pilipinas bago siya tumapak sa PBA gayondin ang pagbabalik sa national team ngayong taon sa ginanap na 18th Asian Games sa Jakarta, Indonesia.

ni John Bryan Ulanday 

COMMENTS

About John Bryan Ulanday

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved