Tuesday , December 11 2018
Breaking News
You are here: Home / News / AFP takeover sa Customs suportado ni Sotto
AFP takeover sa Customs suportado ni Sotto

AFP takeover sa Customs suportado ni Sotto

SUPORTADO ni Senate President Tito Sotto ang pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Armed Forces of the Philippines bilang pan­samantalang tagapa­ngasiwa sa operasyon ng Bureau of Customs bago ang pagpapalit ng lide­rato ng ahensiya.

READ MORE:  Robin, may hamon kay Trillanes — Problema mo harapin mo, huwag mong idamay ang buong bansa

Ayon kay Sotto, naniniwala siya na mga ganitong uri ng “drastic measures” ang kinakai­langan upang tuluyang maputol ang mga ilegal na gawain sa BoC na matagal nang suliranin ng bansa.

Magugunitang pan­sa­mantalang inilagay ni Pangulong Rodrigo Du­ter­te ang BoC sa panga­ngalaga ng AFP upang tuluyang masugpo ang katiwalian partikular sa drug smuggling maka­raan makapuslit ang ilang shabu shipment.

READ MORE:  ‘Mangkukulam’ itinumba sa ComVal

Giit ng Pangulo, ipa­palit ang mga tao mula sa militar habang tinutu­gunan ang mga kinaha­harap na problema sa korupsiyon sa bansa.

READ MORE:  Duterte sa PTV 4 (Mula sa Masa Para sa Masa)

(CYNTHIA MARTIN)

Martial law sa Customs

AFP takeover sa Customs kaduda-duda — Pangilinan

AFP takeover sa Customs kaduda-duda — Pangilinan

Customs sa AFP pakitang tao? — Solon

Customs sa AFP pakitang tao? — Solon

COMMENTS

About Cynthia Martin

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved