Tuesday , November 13 2018
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / P5-M scholarship ng Colgate: Kinabukasang may hatid na magandang ngiti
P5-M scholarship ng Colgate: Kinabukasang may hatid na magandang ngiti

P5-M scholarship ng Colgate: Kinabukasang may hatid na magandang ngiti

IGINAWAD ng Colgate Philip­pines ang P5 milyong  halaga ng scholarship sa mga kaba­taang Filipino mula sa iba’t ibang panig ng bansa bilang bahagi ng Colgate Scholarship Promo 2018 – isang hindi matata­warang ngiti ng magandang kinabukasan sa pamamagitan ng edukasyon.

Tinanggap ng mga iskolar mula sa Colgate ang tig-P100,000. Ang mga iskolar ay pinili ng mga nagwagi sa raffle draw na ginanap mula Mayo hang­gang Hulyo ng kasalu­kuyang taon. Kabilang sa mga Colgate scholars sina Noria, 15 anyos mag-aaral mula sa Bulacan; ang 3-anyos na si Amari mula Cagayan; at si Julianna, 12 anyos, mula sa Binangonan, Rizal.

READ MORE:  Sexy Leslie: Tanga sa pag-ibig

Tinanggap naman nina Jojo Calapuan ng Cebu at Sidney Lanete ng Davao ang salapi para sa edukasyon ng kanilang mga anak.

Pinangunahan ni Colgate-Palmolive Philippines Inc., General Manager Arvin Sachdev ang paggawad ng mga premyo sa mga iskolar.

Aniya, ang Colgate Scholar­ship Promo ay bahagi ng kanilang misyong mabigyan ang mga kabataan ng ‘future they can smile about.’

Tiyak ang saya at ngiti hindi lang ng mga kabataang Filipino pati ng kanilang mga pamilya sa suportang pinansiyal ng Colgate. Sila ang mga kabataang magiging doktor, siyentipiko, guro, abo­gado, at inhenyero sa susunod na panahon.

READ MORE:  Nalunod sa swimming

Bilang pagtatapos, inimbita ng Colgate ang mga nagwagi mula sa Luzon para promal na tanggapin ang kanilang premyo sa The Mind Museum sa Boni­fiacio Global City sa lunsod ng Taguig noong 6 Oktubre 2018.

Isang masayang araw ito para sa mga iskolar at sa kanilang mga pamilya na sama-samang tinuklas ang mga nagag­ganda­han at mga kagilagilalas na eksibit ng museo. Isang Science Show ang idinaos na ikinamangha ng mga bata.

READ MORE:  78-anyos na lola panatag sa Krystall herbal products

Dumating din ang ilan sa mga iskolar na nagwagi noong 2016 at 2017. Winika ng isang iskolar ng Colgate na si Vince, 11 anyos, masaya siya na nanalo ng scholarship.

Ginanahan na siyang puma­sok araw-araw upang abutin ang pangarap niyang maging pulis.

Halos 174,000 ang lumahok ngayon sa Colgate Scholarship Promo – ang pinakamataas na bilang sa tatlong taon ng promo. May 500 ring nanalo ng P500 National Book Store gift certificates at 5,000 na nanalo ng P15 prepaid load.  (KARLA LORENA G. OROZCO)

COMMENTS

About Karla Lorena Orozco

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved