Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ate Guy sa pagkalaglag muli bilang NA — Bakit pa nila ako isinali kung hindi naman pala ako karapat-dapat?
Ate Guy sa pagkalaglag muli bilang NA — Bakit pa nila ako isinali kung hindi naman pala ako karapat-dapat?

Ate Guy sa pagkalaglag muli bilang NA — Bakit pa nila ako isinali kung hindi naman pala ako karapat-dapat?

ARAW palang ng Martes ay umugong ng laglag si Nora Aunor bilang National Artist kaya nagprotesta na ang Noranians at talagang kanya-kanyang padala ng mensahe sa social media at mga kakilalang reporters’ para maglabas ng saloobin nila.

Ang filmmaker na si Eric de Guia o Kidlat Tahimik ang napiling tanghaling National Artist ngayong 2018. Kahapon ay naglabas na ng official statement si Nora dahil nalampasan na naman siya ng nasabing award.

“Noong panahon ni Pnoy na unang napasali ang pangalang Nora Aunor sa listahan ng National Artist lagi kong sinasabi na hindi ko iniisip na maging National Artist.

“Sa sarili ko kasing opinyon may mga alagad ng sining tayo na naging haligi na sa industriya na masasabi kong mas karapat- dapat bigyan ng karangalan bilang isang National Artist tulad ni Dolphy at iba pa na malaki ang naiambag nila sa industriya ng sining at kultura natin.

“Naging mapalad lang po ako dahil kahit paano ay may mga achievement ako na nagawa bilang isang artista at mang-aawit na nakikita po ng ibang tao.

“Nakagawa rin po ng stage plays tulad ng ‘Minsa’y Isang GAMU GAMO, TROJAN WOMEN, DH (DOMESTIC HELPER)’ ito ang stage play na hindi lang dito sa Pilipinas ipinalabas kundi sa 7 lugar sa ibang bansa tulad ng Spain, Europe, LA, Las Vegas, San Francisco, Seattle…

“Nagkaroon ng TV show na ‘Superstar’ na nagtagal ng 22 years, drama series na ‘Ang MAKULAY Na DAIGDIG ni Nora’ na halos kasing tagal rin po ng ‘SUPERSTAR.’ Maliban dito, concerts na ginawa ko para magbigay saya sa mga kababayan natin dito at sa ibang bansa.

“Bilang singer naman po ay alam kong nakapagdulot naman ako ng kasiyahan kahit paano sa mga tao.

“Gumawa ng mga maraming pelikula na alam ko po na muli kahit  paano ay nakapagbigay ng inspirasyon, aral, kamulatan sa mga tao.

“May mga pelikula rin po ako na isinali sa iba’t ibang film festivals abroad tulad ng ‘Flor Contemplation,’ ‘Bakit May Kahapon Pa?,’ ‘Thy Womb’ etc.

“Nag-prodyus ng pelikula sa ilalim ng sariling movie outfit, ang NV PRODUCTIONS. Kinilala rin ng mga tao at sa ibang bansa ang mga pelikulang ‘Tatlong Taong Walang Diyos,’ ‘Bona’ na ipinalabas sa Directors Fortnight sa Cannes Film Festival.

“Balik po tayo sa administrasyon ni Pnoy. Pumasok nga ang pangalang Nora Aunor sa listahan ng National Artist.

“Siyempre, natuwa po ako dahil nagbunga ang paghihirap kong makagawa ng mga pelikulang de kalidad at kapupulutan ng aral ng mga tao lalo na ng mga kabataan at estudyante.

“Noong tanggalin ang pangalan ko ni Aquino sa listahan ng NA ay nagulat po ako at tinanong ko ang sarili ko, BAKIT?

“Ang rason ni Pnoy, tinanggal ako dahil nakulong daw ako sa States dahil sa droga na sinagot naman ng mga abogado kong sina Atty. Claire Espina at Atty. Edelberg na hindi totoo.

“May mga tao, mga kasamahan sa trabaho, mga kaibigan na nagalit lalo na ang NORANIANS sa pagtanggal ng pangalang Nora Aunor sa pagiging National Artist. Hindi ako kumibo, nanahimik lang ako.

“Simula noon, nagsunod- sunod ang imbitasyon sa akin ng mga GURO sa IBA’T ibang UNIBERSIDAD tulad ng UP, ATENEO, DE LASALLE COLLEGE, FEU, etc. para parangalan nila ako sa mga ginawa kong kontribusyon sa industriya.

“Muli, sa administrasyon ni Duterte nagkaroon na naman ng deliberation para sa hihiranging mga National Artist.

“Automatic na ang pangalang Nora Aunor sabi ng NCCA sa listahan ng tatanghaling National Artist.

“Hindi na ako kasama sa deliberation dahil dapat noong panahon pa ni Pnoy ay dapat daw ay ipinagkaloob na sa akin ang NA pero hindi nangyari.

“Rito ngayon sa administrasyon ni Duterte ay naulit uli ang pagtanggal ng pangalang Nora Aunor sa listahan ng National Artist.

“Tinanong ko na naman ang sarili ko.. Ano ba ang NATIONAL ARTIST? Ano ang criteria ng NCCA at CCP para gawing National Artist ang isang tao?

“Bakit pa nila ako isinali rito kung hindi naman pala ako karapat- dapat? Kailangan bang sumipsip ka sa administrasyon para ipagkaloob sa iyo kahit hindi dapat na maging sa iyo?

“Tulad ng sinabi ko rati pa ay kung maging National Artist man ako o hindi ay tuloy pa rin ang takbo ng BUHAY natin. Laking pasasalamat ko sa DIYOS na nakakapagtrabaho pa rin ako ngayon at binigyan ako ng mga totoong mga tagahanga, ilang mga kaibigan na tunay na nagmamalasakit, nagtatanggol at nagmamahal ng walang katapusan.

“Nalungkot lang ako at sumama ang loob ko para sa mga Noranian at mga kaibigan na nagtulong-tulong, naniniwala, at nakikipaglaban sa akin mula pa sa Tawag Ng Tanghalan hanggang ngayon. Ilang years na ba? 51 years na ang nakararaan.

“Sa mga minamahal kong Noranians, mga kaibigan sa press na nagmamahal pa rin sa akin, hayaan na natin ang nang­yari.

“Kung para sa atin ipagkakaloob din iyan ng Diyos sa tamang panahon at kung hindi para sa atin kahit anong pilit ang gawin natin hindi NIYA ito ibibigay.

“Mas lalo kayong magkaisa, magkasundo, at magmahalan. Nadudurog ang puso ko para sa inyo.

“Kalimutan muna po natin iyan. Magmove-on na po tayo at magsimula po tayo uli para sa ating magandang layunin para sa ating kapwa.

“Ang ‘ONANAY’ muna ang tanging maiaalay ko sa inyo na huwag kalilimutang panoorin. Iniaalay namin ito para sa inyo. MAHAL NA MAHAL ko kayong lahat.”

 

READ MORE:  Sam, ‘di na ubra kay Jen dahil kay Dennis
READ MORE:  Harvey, nalilinya sa horror movies

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

ElNella, buwag na; Elmo, deadma na kay Janella

ElNella, buwag na; Elmo, deadma na kay Janella

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved