Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Angelica, na-excite kay Carlo; Z, walang isyu
Angelica, na-excite kay Carlo; Z, walang isyu

Angelica, na-excite kay Carlo; Z, walang isyu

TIYAK na matutuwa ang supporters’ ng CarGel dahil mapapanood na nila si Carlo Aquino sa PlayHouse bilang karibal ni Zanjoe Marudo kay Angelica Panganiban.

Nang huling makausap namin si Carlo sa pagbubukas ng Beautefy by Beautederm store sa Alimall, Cubao kamakailan ay nabanggit ng aktor na may cameo role siya sa PlayHouse at hindi niya alam kung kailan ito ieere.

Sakto, sa ikalimang linggo ng programa pala ipapasok si Carlo base sa teaser ng Playhouse na ipinakita sa nakaraang blogcon nina Zanjoe, Kisses Delavin, Donny Pangilinan, AC Bonifacio, at Angelica noong Biyernes.

READ MORE:  Carlo, umaming mahal din si Angelica: Source of inspiration ko siya

Siyempre ang unang tanong kaagad kay Angelica ay ano ang reaksiyon niya sa pagpasok ng Exes Baggage leading man niya sa serye nila ni Zanjoe.

“Nakae-excite. Excited ako para sa mga tao kasi nae-excite sila sa pagpasok at kung ano ang purpose ni Carlo sa kuwento sa karakter ko at kung paano siya makaaapekto sa relationship nina Patty, Marlon, at  Robin.  Exciting kasi kung mas hahaba pa ang kuwento at mas matagal pa kaming magsasama-sama kasi marami pang mangyayari,” nakangiting sabi ng dalaga.

READ MORE:  Ilang kandidata sa Miss Caloocan, may kahawig na mga artista

Ano naman ang komento ni Zanjoe na may kaagaw siya kay Angelica sa PlayHouse?

“Sa umpisa palang, hindi pa kami nagte-taping alam na naming papasok ang karakter ni Carlo so, wala namang isyu roon. Siyempre may tiwala ako sa kompanya o sa management kung ano ang mas magpapaganda sa show at kung makatutulong sa show. Kami naman ay ginagawa lang ang trabaho namin kaya wala namang isyu o pressure na mangyayari. Mas nakatutuwa at mas nakaka-challenge para sa akin bilang karakter ni Marlon kasi si Carlo ‘yung magiging karibal niya kay Patty,” katwiran ng aktor.

READ MORE:  Iritada na ang abnong halimaw!

Tama naman si Zanjoe, hindi naman siya tiyak na pababayaan ng GMO unit bilang sila naman ni Angelica ang bida sa PlayHouse.

Sabi nga ni Carlo, cameo role lang siya sa serye at hindi naman siya mainstay dahil abala siya ngayon sa shooting ng pelikula nila ni Nadine Lustre produced ng Viva Films.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Christian, humiling ng suporta sa Signal Rock: Please help us make noise at lumaban sa 86 pang mga bansa

Christian, humiling ng suporta sa Signal Rock: Please help us make noise at lumaban sa 86 pang mga bansa

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved