Thursday , April 18 2024
The National Food Authority (NFA) rice warehouse photohographed in Quezon City, the Philippines, on Wedensday,march 9, 2011. Photographer: Edwin Tuyay/Bloomberg News

5 rice hoarders sa Iligan kinasuhan

ILIGAN CITY – Sinampahan ng kasong hoarding ang isang negosyanteng Filipino at apat Chinese nationals na nahuling nag-iimbak nang higit 20,000 sako ng bigas sa lungsod.
Sinampahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang Filipino na si Sonia Payan at sina Lu Zi Yong, Yang Jianzhu, Johnny Tan, at Raul Chenfoo, pawang Chines nationals ng kasong paglabag sa Price Act.
Muling ipatatawag ng National Food Authority ang mga sangkot sa pag-iimbak ng bigas para sa isa pang pagkakataong makapagpresenta ng kanilang mga dokumentong magpapatunay na legal ang kanilang negosyo. Itinakda sa 29 Oktubre ang pagdinig, ayon kay NFA manager Sambitory Dimaporo.
Inaalam din ng Bureau of Customs kung tunay ang ipinakitang dokumento ng suspek na si Tan, na napanalunan niya sa auction ang suplay ng bigas mula sa BoC-Zamboanga.
Patunay raw ito na kabilang ang mga bigas sa nawawalang suplay mula sa warehouse ng Zamboanga. Ngunit ayon sa Customs, hindi nag-auction ng bigas ang kanilang ahensiya.

About hataw tabloid

Check Also

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Department of Agriculture

Para sa seguridad sa pagkain
PH GOV’T DAPAT MAGPONDO SA MODERNISASYON NG AGRI

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang gobyerno na mamuhunan sa modernisasyon ng agrikultura at pagpapaunlad …

marijuana

P.6-M tsongki nasamsam sa Bulacan

TINATAYANG aabot sa P602,400 halaga ng high-grade marijuana o tsongki at cannabis oil ang nasamsam …

robbery holdap holdap

Sa Siniloan
NEGOSYANTENG MISIS PATAY SA 2 HOLDAPER

ni Roderick Palatino SINILOAN MPS – Patay ang isang ginang habang ang kaanak na tricycle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *