Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Abra gov supporters todas sa ambush

Abra gov supporters todas sa ambush

Hataw Frontpage Abra gov supporters todas sa ambush

Hataw Frontpage Abra gov supporters todas sa ambush

BAGUIO CITY – Patay ang dalawang lalaking sinabing supporter ng isang politiko makaraang pagbabarilin sa Brgy. Kimmalaba sa bayan ng Dolo­res, Abra, nitong Lunes ng umaga.

Kinilala ang mga biktimang sina Rodel Pilor at Roland Lasara.

Ayon sa mga pulis, posibleng shotgun ang ginamit na baril sa pag­patay. Nakamotor ang dalawa nang mangyari ang insidente.

READ MORE:  5 katao tinamaan ng kidlat, 1 patay (Sa Mambusao, Capiz)

Kinondena ni Abra Governor Jocelyn Bernos ang nangyari. Aniya, supporter niya ang dala­wang biktima.

“I condemn this incident, this killing… Actually supporter natin na matagal na ‘yun when I started my political career. Volunteer na natin ‘yung mga ‘yun. Sa akin lang as a governor we have achieved the much awaited peaceful com­munity in our province, not until this incident happened,” ani Bernos.

READ MORE:  Footage sa rapists in van hawak na ng pulisya

Hindi pa tiyak ng mga pulis kung ano ang motibo sa pagpatay. Hindi rin nila masabi kung may kaugnayan ito sa politika.

Desmayado rin si Dolores Mayor Victor “JR” Seares sa nangyari at sinabing iimbestigahan ng mga pulis ang insidente.

“I need to know what’s behind this killings… Ang sa akin lang is I want the police to dig deeper kasi for the past three months magulo ‘yang barangay na ‘yan kasi may namatay na dalawa riyan. E ang itinuturong trigger man o mastermind ‘yung nama­tay [si Pilor] ano ba ‘to retaliation? Politically motivated? Drug rela­ted?” ani Seares.

READ MORE:  Private and public agencies lumahok sa Earth Quake Drill (Apela ng Palasyo)

Makakalaban ni Bernos si Seares sa pag­ka-gobernador sa Abra sa May 2019 elections. Kasa­ma rin sa tatakbo para sa parehong posisyon ang pinsan ni Seares na si Loreto Seares, Jr.

HATAW News Team

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved