Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sikreto ng pananatili sa tuktok ibinahagi ni Regine
Sikreto ng pananatili sa tuktok ibinahagi ni Regine

Sikreto ng pananatili sa tuktok ibinahagi ni Regine

ANYWAY, ilang dekada na si Regine sa industriya at nananatili pa rin siyang nasa tuktok kahit ilang beses siyang nag-lie low o totally nawalan ng programa sa telebisyon at pelikula, pero kapag may show o concert siya, apaw pa rin ang tao, patunay lang na hindi siya kailanman nalaos na katulad ng ibang singers na kapag matagal na nawala ay nahihirapang makabalik.

Kaya naman tinanong siya kung anong payo ang maibabahagi niya sa mga batang singers ngayon o artista.

READ MORE:  Baguhang actor, masuspinde rin kaya dahil sa pagkalat ng sex video?

“I probably tell them to be kind. Be kind to everyone that you worked with. I think, one of the reasons why I’m still here, sina Gary, sina Martin, asawa ko (Ogie).

“The staff and crew, they’re actually made our job easier kasi sila ‘yung nagpapakahirap. Tulad halimbawa ng ‘ASAP’, gagawin namin ‘yun ng Linggo lang, pero ‘yung staff mo, buong linggo nilang tinatrabaho ‘yun or probably not even one week, probably more and so para lang maibigay mo ‘yung recognition kasi hindi naman natin sila mababanggit o pasalamatan sa TV, siguro you should at least treat them well,” magandang sabi ni Songbird.

READ MORE:  Regine sa mga basher — Kayo ang panalo rito!

Totoo naman, saksi rin kami kung gaano kahirap ang mga taong nasa likod ng camera at ilang araw at oras ang ginugugol nila para mapaganda ang show, hindi na nga halos nila nakikita ang pamilya nila kaya kaunting appreciation mula sa mga artista at big bosses ay malaking bagay na sa kanila.

READ MORE:  Paulo, ayaw magpatalo sa pag-ibig

Kaya magsilbing aral sana ito sa lahat ng taga-showbiz/music industry.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan


3 shows, pelikula, album, gagawin ni Regine sa ABS-CBN
3 shows, pelikula, album, gagawin ni Regine sa ABS-CBN
Gusto kong makatrabaho ang number one station — Songbird
Gusto kong makatrabaho ang number one station — Songbird
COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved