Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Mader Sitang ng Thailand, gustong manirahan na sa Filipinas
Mader Sitang ng Thailand, gustong manirahan na sa Filipinas

Mader Sitang ng Thailand, gustong manirahan na sa Filipinas

AGAD napalapit ang loob ni Mader Sitang sa mga Filipino sa pagdalaw niya sa bansa. Kaya naman nais ni Mader Sitang na mamalagi na raw sa bansa sa kanyang pagreretiro.

Si Mader Sitang ang Asia’s top transgender supermodel “slash” lawyer at internet sensation ng Bangkok, Thailand.

Patok na patok sa kanyang fans si Mader Sitang, nasak­sihan namin ito mismo nang dumalaw siya last October 19 sa H & H Makeover Salon sa The Block, SM North EDSA, QC. Naging matagumpay din ang pasiklab ni Mader Sitang last October 20 sa Fahrenheit Café, E Rodriguez Sr. Ave, QC at One 690 Entertain­ment, Roces Avenue, QC.  Pati na ang event last October 21 sa One 690.

READ MORE:  Kalahating milyon, napanalunan ng Queen of Wemsap 2018

Naaliw ang marami sa bawat event na pinuntahan ni Mader Sitang sa kanyang signature hair flipping dance moves na talagang naghatid ng good vibes sa madla.

Ang pinag-uusapang Mader Sitang Manila Tour phenomena ay handog ng Mr. Gay World-Philippines 2009 (former National Director) and WEMSAP (Web Marketers Specialist Association of the Philippines, Inc.,) founder at President na si Wilbert Tolentino, na isa ring kilalang LGBTQ influencer.

READ MORE:  Paolo Paraiso, na-in love ulit sa pag-arte dahil sa We Will Not Die Tonight

Si Wilbert ang tumatayong manager ni Mader Sitang at marami siyang plano para sa Thai internet sensation.

Ayon kay Wilbert, nais ni Mader Sitang na mamalagi sa bansa sa kanyang pagreretiro. “Mader Sitang will come back to the Philippines. He wants to settle here for good. That’s why I will arrange his papers and other documents.”

READ MORE:  Angel Locsin nag-renew ng 3 years contract sa ABS-CBN (Pagkatapos umatras sa Darna movie sanhi ng spinal cord injury…)

Kapag natapos ni Mader Sitang ang kan­yang mga com­mitment sa Thailand, ikakasa na rin ni Wilbert ang project nina Mader Sitang at Vice Ganda. “Mader Sitang and Vice Ganda haven’t met. After Vice Ganda has signed up for H&H Make­over Salon, then we will pro­ceed with the movie project,” saad niya na nabaggit din na willing mag-aral ng Filipino si Mader Sitang para mas main­tindihan siya ng fans.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio


Sylvia Sanchez, lucky charm ng BeauteDerm!

Sylvia Sanchez, lucky charm ng BeauteDerm!

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved